Pdu30, nakiisa sa virtual send-off ceremonies sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng bansa para sa anim na atletang Filipino na makikipaglaban sa Tokyo 2020 Paralympic Games, isang major international multi-passport event na pangangasiwaan ng International Paralympic Committee (IPC).
Ang 16th Summer Paralympic Games ay idaraos sa Tokyo, Japan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.
“My warmest greetings to our Philippine Paralympian Team. I am one with you as you present the best of our country at the Paralympic Games in Tokyo,” ang mensahe ni Pangulong Duterte sa isinagawang virtual send- off ceremonies
Ang mga atletang Filipino na makikipaglaban sa Japan ay sina Allain Ganapin (Taekwondo), Jeanette Aceveda (Athletics), Gary Bejino (Swimming), Jerrold Mangliwan (Athletics), Ernie Gawilan (Swimming), at Achelle Guion (Powerlifting).
Si Mangliwan ang magsisilbing flag bearer ng bansa sa Opening ceremony.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na pinatunayan ng mga atletang ito na ang kapansanan ay hindi hadlang para sumabak sa ‘competitive sports.”
“Your participation here shows to the world that anything is possible through hard work, determination and solidarity,” ani Pangulong Duterte.
“Rest assured that the entire nation is behind you as you compete and show your capabilities to make the world…. you really make our country proud. Mabuhay ang Philippine Paralympian Team,” dagdag na pahayag ng Chief Executive. (Daris Jose)
-
Kalituhan sa payment scheme, sanhi ng trapik sa Skyway 3
Ang kalituhan sa payment scheme o paraan ng pagbabayad ng toll ang naging sanhi nang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Skyway Stage 3 noong Lunes. Ayon kay Manuel Bonoan, pangulo at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp., ang masikip na daloy ng trapiko ay nagsimula sa unang araw nang […]
-
MAG-DYOWA, INARESTO NG NBI MATAPOS ANG REINVESTIGATION
DINAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang mag-live-in partner dahil sa kasong Robbery with Homicide. Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Julie Ann Navarro y Englis at Rovelyn Canete y Dayanan sa kahilingan ng panibagong imbestigasyon ni Telesforo P. Hernando kaugnay sa pagkamatay ng kanyang kapatid […]
-
Guce ika-52, binulsa P53K
SINARA ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa one-over par 72 pa-three-over par 216 at mapabilang sa apat na nagtabla sa ika-52 posisyon na mayroong $1,067 (P53K) bawat isa pagrolyo ng 16th Symetra Tour 2021 11th leg $250K (P12.4M) 4th Donald Ross Course sa The Donald Ross Cross Course sa Frenck Linck, Indiana nitong Sabado […]