Pdu30, nakipagkita kay Cayetano matapos na mag-alok ito na magbitiw bilang House Speaker
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
NAKIPAGKITA at nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano , araw ng Miyerkules, ilang oras matapos mag-alok ang huli na magbitiw sa kanyang pwesto bilang House Speaker.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kasama sa meeting ng Pangulo ang asawa ni Cayetano na si Lani at ang kapatid nitong si Senador Pia Cayetano.
Kasama rin sa meeting si Rep. Eddie Villanueva, isang religious leader, para i-pray over si Pangulong Duterte.
Ayon kay Sec. Roque, naniniwala si Pangulong Duterte na ang speakership issue ay tapos na.
Binigyang-diin nito ang pangangailangan na maipasa ang 2021 budget sa takdang oras.
Hindi naman idinetalye ni Sec. Roque kung ano ang napag-usapan sa meeting.
Nauna rito, pumagitna kasi ang Pangulo kina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa usapin ng term-sharing dahil siya ang nasa likod ng kasunduan o term-sharing agreement, na ngayon ay ayaw na sundin ng mga kaalyado ni Cayetano.
“Nirerespeto ng Presidente ang desisyon ng mga mambabatas because this is a purely internal matter,” giit ni Sec. Roque.
Sa ilalim ng kasunduan, uupuan ni Cayetano ang speakership post ng 15 buwan simula ng 18th Congress noong Hulyo ng nakaraang taon.
Pagkatapos nito ay iti-take over naman ni Velasco para magsilbi bilang House Speaker ng 21 buwan. (Daris Jose)
-
US golf star Tiger Woods sasailalim muli sa operasyon
SASAILALIM sa panibagong operasyon si American golf star Tiger Woods. Sinabi nito na sa mga susunod na araw ay sasailalim siya sa microdecompression surgery para ayusin ang mga nerve issue sa kaniyang lower back. Dagdag pa nito na mula pa noong nakaraang mga buwan sa mga torneo na kaniyang sinalihan ay […]
-
Christmas theme sa mga tren, inilunsad na ng DOTR
INILUNSAD na ng Department of Transportation ang mga Christmas Trains sa MRT-3 at Light Rail Transit Line 2. Naglagay ang ahensiya ng mga dekorasyon na pang-pasko ang DOTr sa mga train ng LRT at MRT-3. Sinabi ni DOTr Asec. Jorjette Aquino na ito ang tradisyon na kanilang ginagawa para maramdaman ng […]
-
Sa anumang paraan… Mga Pinoy sa Lebanon, ilikas na-PBBM
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglilikas ng mga Filipino sa Lebanon “sa anumang paraan” habang naghahanda ang gobyerno sa pag-akyat ng tensyon sa pagitan ng Israeli Defense Force at militanteng grupo na Hezbollah. Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo sa isang “urgent” virtual conference kasama ang ilang miyembro ng gabinete sa sidelines […]