PDu30, nangakong patuloy na lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang termino
- Published on May 15, 2021
- by @peoplesbalita
SA KABILA ng pag-amin na mahirap na gawain ang paglaban sa korapsyon ay nangako pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na patuloy niyang lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang kanyang termino.
“We are not proclaiming that we have gotten rid of corruption. There is still corruption in this government and any other government that will come after me and in the past,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Huwebes ng gabi.
Aniya, hindi maaalis ang korapsyon hangga’t mayroong burukrasya na talamak ang “money involved” at maraming lamesa na pagdadaanan ng mga papeles.
Ang tanging paraan aniya para matanggal ang korapsyon ay isara ang pamahalaan.
“There is still corruption in this government and any other government that will come after me, and in the past, mayroon talaga ‘yan. If there is a running bureaucracy and there is money involved and there are a lot of tables where the papers would go through, there will always be corruption,” ayon sa Pangulo.
“Kung walang . . Ayaw ninyo wala, eh di sarahan mo ang gobyerno. But then again, you choose which way to go. The most that we can do is to fight it.” dagdag na pahayag nito.
Kaugnay nito, isa-isa namang binasa ng Pangulo ang mga government officials na sinibak sa puwesto dahil sa iregularidad.
‘So ang mga napaalis sa gobyerno: Preciosa Polonia, OIC-Land Management Officer III, City Environment and Natural Resources Office, Albuera, Leyte – for issuance of free patent in favor of disqualified applicant;
Regional Executive Director ng DENR-Region [XII], Sacaruddin Magarang – grave misconduct, involvement in serious irregularities in the issuance of free patent titles; ayon sa Pangulo.
“Amante Burbano, Special Investigator pa naman DENR – conduct prejudicial to the best interest of the service and falsification of public documents — I hope those guys will — I hope they will be prosecuted on time — involvement in the residential free patent applications; then Ma. Babyruth Nicolas, Staff, CENRO-Guiguinto, Bulacan, DENR-Region III – grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service for undertaking illegal fixing transactions,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Dahil marami silang napaligaya: VILMA, nakikiusap na ibalik ang two-week show ni LUIS
NAKIKIUSAP pala ang “Star for All Season” Vilma Santos para ibalik ang “It’s Your Lucky Day” ng anak na si Luis Manzano. IG post ni Luis ng isang video asking his momshie: “gusto mo bang ibalik ang “It’s Your Lucky Day?” Sagot ni Ate Vi” “Yes na yes, 200 percent. You […]
-
Face to face classes sa Enero 2021, kanselado
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanselasyon ng face-to-face classes, na nauna nang inaprubahan ng Department of Education (DepEd) na magdaos ng pilot study sa Enero 2021. Ang kautusan ng Pangulo ay inihayag nito nang pangunahan ng Chief Executive ang Inter-Agency Task Force (IATF) meeting kasama ang mga infectious diseases experts kagabi, Disyembre 26, […]
-
Jason Statham is Out for Vengeance in the New Red-Band Trailer of ‘Wrath of Man’
A new red band trailer of MGM’s upcoming action-thriller, Wrath of Man just released. The trailer arrives with the first official clip of the film, offering a closer look at Jason Statham’s “H,” the disturbingly adept sharpshooter introduced in the first trailer. Check out below: https://www.youtube.com/watch?v=GFty3DRKEqM The new trailer is decidedly less […]