• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, naniniwalang itutuloy ng Marcos admin ang laban kontra illegal na droga

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gagawin ng kanyang successor, na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng makakaya nito para patuloy na labahan ang illegal na droga.

 

 

“Well, I trust that the next administration will also do its very best to confront itong drug[s],” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

 

Bagama’t inamin nito na natatakot siya na muling lumaganap ang drug industry kapag nagtapos na ang kanyang termino, nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo na ang mga pulis at sundalo ay “maintain the momentum” sa anti-narcotics campaign.

 

 

“I place my full trust and confidence on the two institutions that we have na iyon lang ang ating panglaban..: it’s the police and the military. These are the institutions that would, I think, will not allow the drug people to prevail,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng Chief Executive na may mga “bulok na itlog” sa police force ng bansa, subalit binigyang diin nito ang ginagawang patuloy na paglilinis ng Philippine National Police (PNP) sa ” ranks of scalawags.”

 

 

“I still trust the police. Mayroong mga scalawags, mayroon ring nasa droga pero — a few of them. And yet the police had to police its own ranks and maraming pulis na nahuli nila ,” aniya pa rin.

 

 

Hinikayat naman ng Pangulo ang mga bagong miyembro ng PNP na maglingkod sa bayan at sa mamamayan, maging sino man ang lider ng bansa.

 

 

“Dadaan lang kami eh…Kita mo ako mayor tapos parang kahapon lang dumaan lang sa harap ko… But the organization of the Armed Forces and the police will be there always. So kayo ang — nakikiusap ako sa inyo na maintain your ‘yung ano ninyo your reputation na maasahan ang pulis, maasahan ang military to save the country,” ani Pangulong Duterte.

 

 

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga ito na iwasan at hwag masangkot sa illegal drug trade.

 

 

“Kaya kung kayong mga pulis kung talagang mahal ninyo ang bayan, stay away from drugs, the temptation of money,” anito sabay sabing “I said it’s very corrosive to the values of a human being, the lure of money.” (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 20, 2024

  • P2.3 milyong shabu nasabat sa bebot sa Bilibid

    HIGIT  sa P2-milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad nang tangkang ipuslit papasok sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na Raquel Zuñiga, 33, residente ng Marasaga […]

  • PBBM, nilagdaan ang PPP Code, Internet Act habang naka-isolate dahil positibo sa COVID-19

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging gaap na batas ang Public-Private Partnerships (PPP) Code at  Internet Transactions Act.  Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat sana’y pangungunahan ng Pangulo ang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang subalit kailangan na lamang pirmahan ang mga nasabing batas habang naka-isolate sa Bahay Pangulo matapos mag-positibo […]