• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, napanatili ang mataas na approval, trust ratings

NAPANATILI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “high approval at trust scores” sa third quarter habang papalapit na ang election season sa Pilipinas.

 

Ito ang lumabas sa third quarter survey ng political consultancy firm.

 

Ayon sa PUBLiCUS Asia Inc.’s Oct. 11 to 18 poll, nakapag- rehistro si Pangulong Duterte ng overall approval rating na 60%, may improvement na 2% mula sa kanyang dating 58% score sa survey na isinagawa noong second quarter.

 

Nakakuha rin ang Chief Executive ng “high trust” rating na 53%, tatlong puntos na mataas kumpara sa kanyang 50% score sa nagdaang quarter.

 

Nagtamo naman ng high approval ang gobyernong Duterte para sa paghawak nito sa mga national issues gaya ng pagpapalawig sa voter registration, pagsasagawa ng audit sa Red Cross, full opening ng ekonomiya sa Disyembre at payagan ang mga menor de edad na mabakunahan laban sa Covid-19.

 

Lumitaw din sa survey si Pangulong Duterte bilang “most approved and trusted government official.”

 

Nakapag-rehistro rin ang Pangulo ng “highest shares of all the traits measured.”

 

Kabilang sa kanyang “top traits” ay ang “brave, decisive, has love for the Philippines, has concern for Filipinos, responsible, pro-poor, upholds the law, and sincere, among others.”

 

Sa kabilang dako, nakapag-rehistro naman si Vice President Leni Robredo ng highest disapproval rating na 40% habang 31% naman ang nagpahayag aprubado sa kanila ang performance ng bise-presidente.

 

Nakapagrehistro rin si Robredo ng pinakamataas na “low trust” rating na 47% habang 22% naman ang may “high trust” sa kanya.

 

Nakapagtala naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng overall approval rating na 34% habang 27% lamang ang “disapproved” sa performance ni Sotto.

 

Nakaranas din si Sotto ng 3-percent decline sa kanyang total high trust rating na 20% para sa third quarter’s poll.

 

Kapwa naman bumaba ang trust rates nina Robredo at Sotto matapos na magdeklara at maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) para sa pagka-pangulo.

 

Si House Speaker Lord Allan Velasco ay nakapagrehistro naman ng 24% approval rating at 18% disapproval mark.

 

Tanging 12% naman ang nagsabi na mayroon silang “high trust” kay Velasco, habang 36% naman ang may “low trust” sa kanya.

 

Nakapagtala naman si Chief Justice Alexander Gesmundo ng 24% approval rating at 25% disapproval rating.

 

May 15% naman ang nagsabi na mayroon silang “high trust” kay Gesmundo habang 30% naman ang nagsabi na mayroon silang “low trust”.

 

Ang pollster ay isinagawa ng isang independent at non-commissioned survey na binubuo ng 1500 respondents na inilabas ng market research panel ng 200,000 Filipino. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na ipinamamahagi ngayong panahon ng ECQ, pinatulan ng Malakanyang

    TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.   Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance […]

  • Bong Joon-ho, Confirms Two Follow-up Films for ‘Parasite’

    HERE’S an update on what’s next for the director of Parasite.     Director Bong Joon-ho has confirmed that he’s currently working on two follow-up films for his Academy Award-winning movie Parasite.     Through The Director’s Cut podcast, the South Korean director shared that one of the two scripts is already finished. He also confirmed that one […]

  • Pag-imprenta ng balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, uumpisahan na

    NAKATAKDA nang umpisahan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, September 20  ang pag-imprenta ng official ballots para sa isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Disyembre.     Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ang isang buwang schedule para sa printing job ay dapat na raw matapos sa October 20 kahit […]