PDu30, oks na ipalabas ang P1.185 bilyong piso para sa special risk pay ng mga health workers
- Published on January 21, 2022
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas sa P1.185 bilyong piso mula sa contingent fund ng gobyerno noong nakaraang taon para sa special risk allowance (SRA) ng mga health workers na hindi pa nakatatanggap nito.
Sinabi ni Senador Bong Go na ang P1.185 bilyong piso ay huhugutin mula sa 2021 Contingent Fund at gagamitin para bayaran ang SRA ng eligible health workers na direktang nag-aasikaso o may contact sa COVID-19 patients.
“Ang ating mga medical frontliners ay ang mga sundalo sa gyerang ito. Sila ang tinuturing nating bayani sa laban kontra COVID-19,” ayon kay Go, long-time aid ni Pangulong Duterte at chairman ng Senate health committee.
Sa ngayon, mahigit sa 496,000 health workers ang nabigyan ng kanilang SRA, ang iniulat ng Department of Health (DOH) sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng KOngreso, araw ng Martes, Enero 18.
“The SRA provided has amounted to a total of nearly P8 billion,” ayon kay DOH Assistant Secretary Maylene Beltran. (Daris Jose)
-
NATHALIE EMMANUEL ATTENDS THE WEDDING OF HER NIGHTMARES IN “THE INVITATION”
EMMY-NOMINATED actress Nathalie Emmanuel is best known for her remarkable performance in the role of Missandei in the critically acclaimed HBO series Game of Thrones. She also made a mark as Ramsey in the seventh and eighth installments of the blockbuster film series Fast and the Furious. Now, Emmanuel stars in the lead role of Evie […]
-
Ngayong isa na sa board member ng PCSO: IMELDA, isang linggong serbisyo ang handog sa mga nangangailangan
NAIS ni Imelda Papin, ang newly appointed acting member of the Board of Directors ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office, na palawigin ang operasyon ng ahensa tuwing weekend. Ayon sa naging pahayag ng Asia’s Sentimental Songstress, “Although, I already announced it after the oath-taking, yung aking gustong ipaabot sa board at maaprubahan itong […]
-
15K benepisyaryo mula sa industriya ng sining, inayudahan sa BPSF
INILUNSAD ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang isang malawak na programa na nagkakahalaga ng P75 milyon, na layuning magbigay ng tulong-pinansyal at mga pagkakataon sa pagpapahusay ng kakayahan para sa mahigit 15,000 miyembro ng industriya ng sining, kabilang ang pinansyal na suporta at iba pang mga serbisyo […]