• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinakilos ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan para suportahan ang Bayanihan Bakunahan” program

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad na ipaabot ang lahat ng posibleng suporta sa “Bayanihan Bakunahan” program na pinangungunahan ng Department of Health at Department of Interior and Local Government.

 

Ang aktibidad na tatakbo mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ay naglalayong bakunahan ang 15 milyong Filipino sa 16 na rehiyon sa labas ng Kalakhang Maynila.

 

Sa kasalukuyan, may 32.9 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

“The Bayanihan Bakunahan” project seeks to significantly add to this figure, as we have all seen evidence of how increased vaccination rates have contributed to the reduction of active COVID-19 cases and the drop in daily new COVID-19 cases,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Kaya nga, hinikayat ng pamahalaan ang mga hindi pa bakunadong mamamayang filipino na magpartisipa sa “Bayanihan Bakunahan” project upang mabigyan ng mga ito ang kanilang mga sarili at pamilya ng proteksyon at kapayapaan ng isipan dahil sa bakunag ituturok sa kanila.

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Malakanyang ang lahat ng nag-organisa ng mga tauhan at resources para pakilusin sa pagbabakuna sa mga mamamayang filipino.

 

Pinasalamatan din ni Nograles ang mga frontliners na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para makapag-ambag sa tagumpay ng nasabing inisyatiba.

 

“Together, we can get the jabs done; together, we can beat COVID,” ayon kay Nograles. (Daris Jose)

Other News
  • Glam team ni Miss Universe-PH BEATRICE, binubuo ng sikat na Filipino designers at jewelry maker; aminado na malaking pressure

    ANG Filipino designers na sina Francis Libiran and Axel Que, at ang jewelry maker Manny Halasan ang magsisilbing glam team ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.      Sila ang gagawa ng national costume, evening gowns at ilan pang kailangan ni Beatrice sa paglaban nito sa Miss Universe 2021 pageant sa Israel.   […]

  • Personal appearance ng mga senior sa pagkuha ng pension, ipinatigil ng IATF

    Simula sa Marso 1, 2021, hindi na kailangang magtungo ng personal ang mga senior citizens sa mga pension issuing agencies at mga servicing banks  para sa balidasyon at pagkuha ng kanilang pension.     Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang mga pension issuing agencies […]

  • 2 bagong State-of-the-Art Buildings sa Valenzuela, itatayo na

    SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang pagtatayo ng bago at modernized na Finance Center Building at Legislative and People’s Center Building kasunod ng isinagawang groundbreaking ng mga ito bilang sagot sa mga umiiral na isyu sa city hall.     Ayon kay Mayor Gatchalian, napanssin niya ang […]