• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinasinayaan ang CCLEX sa “historic day”

PINASINAYAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang iconic Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa pamamagitan ng unique car ribbon-cutting ceremony sa gitna ng tulay.

 

 

Sa halip na pagputol sa ribbon gamit ang tradisyonal na gunting, pinaandar ang Presidential vehicle sa ribbon sa gitna ng tulay, simbolo na ang tulay ay magiging expressway para sa mga biyahero.

 

 

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati na labis siyang nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan siya ng buhay upang makita ang pagkompleto ng tulay matapos ang breaking ground ng proyekto noong 2017.

 

 

Ang Pangulo ay nasa Cebu upang makiisa sa 501st Kadaugan sa Mactan celebrations, pagtatapos na rin ng Quincentennial activities sa bansa.

 

 

Aniya, isang malaking karangan na maging bahagi siya ng “historical moments” ng Cebu.

 

 

“I thank God for giving me the life na pagground break ko sa bridge na ito, ako din ang naginaugurate, nagputol ng ribbon. I’d like to thank the builders…your hard work to ensure the completion of this monumental task is noble,” ayon sa Pangulo.

 

 

Binati naman ng Pangulo ang Metropacific Tollway Corporation, CCLEX Corporation, at local government units ng Cebu City at Cordova matapos makamit ang “architectural at engineering feat.”

 

 

Si Pangulong Duterte rin ang nag-unveiled ng inauguration marker ng iconic bridge.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni MPTC chairman, Manny V. Pangilinan (MVP), na ang proyekto ay testamento ng tagumpay ng public and private partnerships.

 

 

Dahil aniya sa determinasyon ng Cebu City at Cordova, ang tulay ay nag-materialized o natupad.

 

 

“This bridge is a significant public-private partnership, we are honored and humbled,” anito.

 

 

Para naman kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ang CCLEX ay makapagbibigay ng kalakasan sa ekonomiya na kailangan ng Cebu island upang lumago.

 

 

“This is truly a testimony of the triumph of the human spirit,” ayon sa gobernador.

 

 

Bago pa ang inagurasyon, binendisyunan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang tollway gates, kung saan ang negosyo ng tollway ay isinasagawa.

 

 

Habang ang inagurasyon ay nakompleto, sinabi ng CCLEC na ang pagbubukas ay iniurong sa ibang petsa.

 

 

“The opening of the expressway will be announced soon,” ayon sa CCLEC. (Daris Jose)

Other News
  • Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), binatikos ang ginawang pagbaba sa taripa

    BINATIKOS  ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang ginawang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas mula India na dating 50% taripa ay 35% na lamang ngayon.     Tugon umano ito sa naulinigang plano ng Thailand at Vietnam na taasan ang presyo ng kanilang bigas at magtaguyod ng rice cartel. […]

  • Philippines BEST nakapag-ensayo agad sa Dubai

    HANDA  na ang lahat ng miyembro ng Philippines BEST (Behrouz Elite Swimming Team) Killerwhale sa 2022 Hamilton Aquatics Short Course Swimming Championships na lalarga sa Oktubre 22 hanggang 23 sa Hamdan Bin Mohammed Bin Rashid Sports Complex.     Sabak agad sa ensayo ang 10 miyembro ng delegasyon upang masigurong preparado ang lahat bago sumalang […]

  • LEGITIMACY NG PDP LABAN MARERESOLBA

    MARERESOLBA ng poll body ang legitimacy case ng PDP-Laban bago matapos ang Marso.     Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa panayam na inutuan sila ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa en banc meeting noong nakaraang linggo upang mapabilis ang pagresolba ng kaso ng PDP-Laban.     “I was really hoping that we will […]