• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinayuhan ang publiko ng tamang pagtatapon ng medical wastes

PiNAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na itapon nang tama at kung paano dapat itinatapon ang medical wastes. 

 

“You might as well wait for the garbage men to look the garbage and balutin ninyo ‘yang mga ano ninyo, mga medisina ‘yong naturok na at saka ‘yong mga syringe, balutin ninyo, ibigay ninyo sa basurero,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People.

 

Nakarating kasi sa kanya ang ulat na may mga nakuhang gamit na face masks ang ilang divers sa Bauan, Batangas.

 

Ito ang dahilan aniya kung bakit labis siyang nalungkot at nadismaya dahil sa maling pagtatapon ng medical wastes.

 

Binigyang diin ng Pangulo ang paggunita ng buong mundo ng “World Environment Day” noong June 5 kung saan isinulong ang commitment ng bansa sa pag-aalaga sa kapaligiran.

 

“Sadly, however, the COVID-19 crisis has also given a rise to plastic waste and pandemic. The popularity of delivery of services has produced considerable solid waste such as the delivery of packaging of both food and non-food products. Also, a serious concern is the proper disposal of medical waste. There have been several reports of poor disposal,” anito.

 

Aniya pa, noong mayor pa siya ng Davao City, may nakapagsabi sa kaniya na inililbing umano sa buhangin ang ilang medical wastes ng mga gamot.

 

“Mali ito,” ani Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Mga patakbo balikan

    NATUTUWA ang lahat ng mga marathoner, half-marathoner, runner, triathlete, duathlete, aquathlete, cyclist, swimmer at iba pang mga ngangarera sa outdoor at indoor dahil sa maraming nagbalikan ng mga road racing event.     Siyempre kasama po ang inyong lingkod na isang marathoner.     Makakakarera na po po ng face-to-face sa maraming sports event ang […]

  • Ads December 5, 2023

  • 19-anyos na NBA prospect player na si Terrence Clark patay sa aksidente

    Patay sa aksidente ang 19-anyos na si basketball player ng Kentucky University na si Terrence Clarke.     Ayon sa imbestasyon nagmamaneho ng kaniyang Genesis na sasakyan  dakong alas dos ng hapon sa San Fernando Valley at ito ay bumangga sa poste at pader.     Si Clarke ay napipisil sa 2021 NBA Draft pick. […]