• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinuri ang DPWH sa Saraiya Bypass Road project

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at project partners  nito para sa pagtatapos ng Saraiya Bypass Road  project.

 

 

Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang pagpapasinaya sa  Sariaya By-Pass Road Project sa Brgy. Isabang, Lucena City ay sinabi ng Pangulo na ang achievement na ito ay patunay ng “strong commitment” ng administrasyon na mapabuti ang kalidad ng buhay  ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagsusulong ng strategic infra projects sa iba’t ibang  lugar sa bansa.

 

 

“Thereby improving connectivity, increasing the people’s mobility and creating jobs and dispersing economic activity throughout the regions,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Today, we add another milestone in our build, build, build program, the inauguration of the Saraiya Bypass Road. This project spans more than 70 kilometers starts at the Manila South Road Daang Maharlika Road and ends at the Quezon Eco tourism Road,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Hindi lamang ito makapagbibigay nang mabilis at ligtas na biyahe para sa mga motorista kundi epektibong “transport of goods to and from the markets of Southern Luzon.”

 

 

Inaasahan din na mababawasan ang  traffic volume sa kahabaan ng Daang Maharlika mula  Saraiya papuntang Lucena ng 40%.

 

 

“It will likewise spur the growth of industries and business opportunities  are thereby boosting the socio-economic development of Quezon province and improve the lives of the people,” ayon sa Pangulo.

 

 

Habang patuloy na pinagtatagumpayan ang kasalukuyang pandemya at maingat na muling buksan ang national at local economies, infrastructure development ay may maganda at mahalagang tungkulin sa tagumpay.

 

 

“Indeed, we can fully achieve inclusive growth when the countryside development is pursued. Improved mobility including efficient access of goods and services will lead to greater productivity and progress,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Let us continue working together to achieve our sustainable development goals and build a brighter future that is breaming with opportunities for all,” dagdag na pahayag ng Chief Executive. (Daris Jose)

Other News
  • Alcantara, Gonzales exit sa Men’s World Tennis Tour

    NAPASIBAT agad ang Philippine bet na sina Francis Casey ‘Niño’ Alcantara at Ruben Gonzales sa ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour double first round sa Naples, Florida nang mabigo laban kina third seed tandem Alejandro Gomez ng Columbia at Israel ‘Junior’ Alexander Ore ng USA,  4-6, 6-1, 10-1.     Buwena-manong kompetisyon pa lang […]

  • Pres. Duterte pinatataasan sa P500 ang halaga ng ayuda para sa pinakamahihirap na pamilya

    INATASAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisaryo ng 4ps.     Sinabi ng pangulo na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro.     Kaya naman inutos nito kay Sec. Dominguez na gawan […]

  • After Gretchen at Claudine… JULIA, ‘di pa rin makapaniwalang makatatambal si AGA

    WILLING pala si Kapuso actress Carla Abellana na mag-guest sa afternoon noontime show na “It’s Showtime” sa GTV ng GMA Network, kung mai-invite at papayagan naman siya.       Natuwa nga raw siya sa collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN, “it’s very surprising, but also refreshing, kaya payag akong mag-guest o mag-host sa “It’s Showtime.”   […]