• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinuri si Dizon sa pagtatayo ng nat’l sports academy

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at chief executive officer Vivencio Dizon dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon ng National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City sa Tarlac.

 

Sa kanyang Talk to the People, Miyerkules ng gabi, si Dizon ayon sa Pangulo ay matatandaan ng sambayanang Filipino para sa kanyang mahalagang kontribusyon sa pagtatatag ng NAS na dinisenyo bilang educational facility para sa mga student-athletes.

 

“Thank you, Vince Dizon. You know, about 20 years from now when you go to Clark City, then you look at the buildings that you have helped built, I’m sure that you will have that fire of love of country and patriotism and that you helped build what it is now,” ang sinabi ni Pangulong Duterte kay Dizon.

 

Ang pahayag na ito ng Chief Executive at matapos na tiyakin ni Dizon sa kanya (Pangulong Duterte) na mapapasinayaan ang NAS bago matapos ang termino ng Punong Ehekutibo sa Hunyo 2022.

 

Sinabi ni Dizon na ang paglikha sa NAS ay isa sa “legacy” ni Pangulong Duterte.

 

“Nagsisimula na po ang construction nito at pinapangako po namin na bago matapos ang iyong termino, you will inaugurate this beautiful, world-class sports academy. Talagang iyan po ang magiging legacy ng Duterte administration para sa ating mga atleta, present and future,” ani Dizon.

 

Sa sinabing ito ni Dizon, sinabi ng Pangulo na nais niyang bigyan ito ng “gold medal” para sa accomplishments ng nasabing ahensiya.

 

“The Filipino will remember you, which will remind me, bigyan kita ng gold medal, ” aniya pa rin.

 

Gayunman, sinabi ni Dizon, na ang tagumpay sa pagtatayo ng NAS ay maikukunsidera na niyang isang “gold medal.”

 

“First time in history po, mabibigyan ng parangal ang ating mga atleta dahil magkakaroon na po sila ng kanilang sariling high school,” anito.

 

Matatandaang, Hunyo 2020 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang National Academy of Sports Act o Republic Act 11470.

 

Ayon kay Sports Committee Chairman Senator Christopher “Bong” Go, pangunahing itinatakda ng batas ang pagtatayo ng National Academy of Sports (NAS) malapit sa world-class New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

 

Inaatasan ng batas ang NAS na bumuo ng secondary education program na kapapalooban ng special curriculum on sports at magbibigay ito ng scholarship para sa mga kwalipikadong kabataan na may talento at kagustuhang mapahusay ang kanilang sporting skills.

 

Diin ni Go, daan ito para mabigyan ang mga kabataang atleta ng pagkakataon na mag-training at makapag-aral sa isang world-class na pasilidad at eskwelahan.

 

Sabi pa ni Go, gabay din ito para malinang ng mga kabataan ang kanilang mga talento lalo na sa larangan ng palakasan na magbibigay sa kanila ng oportunidad na magtagumpay sa buhay at mailayo sa masasamang bisyo tulad ng iligal na droga. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency-DTI

    NANINIWALA si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency dahil naghahanda ang pamahalaan ng mga hakbang para mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.     “At the moment, we don’t think na kailangan na ‘yun. Right now, we’ve outlined […]

  • Kung bawal umapir sa TVJ show sa TV5: ALDEN, pwedeng mag-guest sa ‘Eat Bulaga’ pero ‘di payag maging host

    MULING nag-post sa kanyang Instagram si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa gagawin nilang movie ni Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards: “Surprise! With our other co-stars Miles Ocampo and Tonton Gutierrez!!!”     Kaya ang dami lalong na-excite sa post na ito ni Sharon na mga fans at nagsabing si Tonton daw ang pinagselosan […]

  • Evacuees kay ‘Odette’ tinututukan vs COVID-19

    Nagbabala ang health expert na si Dr. Tony Leachon sa posibilidad na kumalat ang COVID-19 sa Visayas at Mindanao dahil sa pagsisiksikan ng mga nasalantang pamilya sa mga evacuation centers.     Ipinaalala ni Leachon, dating tagapayo ng gobyerno sa COVID-19, na importante na ma-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng […]