PDu30, pinuri si Duque at mga health workers dahil sa paggaling ng 1.8M Pinoy mula sa Covid-19
- Published on September 7, 2021
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III at ang mga health professionals dahil gumaling ang may 1.8 milyong Filipino na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sa kabila ng batid ng Pangulo na ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa ay pumalo na sa mahigit 2 milyon, ipinunto ng Pangulo na ang bilang ng mga taong gumaling mula sa coronavirus ay isang “very good” na indikasyon na pinagsumikapan talaga nina Duque at ng mga medical workers na matalo ang pandemiya.
“Now, the Philippines has breached the 2 million mark in Covid cases,” Duterte said in his prerecorded Talk to the People. “However, ang konswelo natin is that 1.8 million of these have recovered. So meron na lang 200 na wala,” anito.
Pinuri rin ni Pangulong Duterte ang Kalihim na sa kabila ng mga batikos na ipinupukol dito dahil sa usaping “mismanagement” ng Covid-19 pandemic response funds at panawagan na bumaba na ito sa puwesto ay nananatili si Sec. Duque sa pagtulong sa pamahalaan na labanan ang Covid-19.
“And that…number of Covid-19 recoveries is a very good reflection of what our health people are doing. And I would like also to commend Secretary Duque for that,” ayon sa Pangulo.
Sa ulat, may 16,621 bagong Covid-19 infections na naitala dahilan upang ang kabuuang tally nit ay pumalo na sa 2,020,484.
Tinatayang 1,840,294 coronavirus-infected individuals ang gumaling habang 33,680 naman ang namatay.
Hanggang sa ngayon ay mayroong 16,621 active Covid-19 cases sa bansa.
Sa gitna ng pagtaas ng Covid-19 infections, pinaalalahanan naman ni Pangulong Duterte ang publiko na magpabakuna dahil ito ang “best weapon” para protektahan ang sarili mula sa coronavirus.
Hinikayat din ng Pangulo ang first dose vaccinated filipino na hangga’t maaari ay kunin ang kanilang second dose ng bakuna.
“Alam mo, the vaccination really is what we can offer you to fight Covid-19. Walang iba . There’s no other defense against the microbe, For those who would need the second vaccination, kindly do it also in a hurry,” anito. (Daris Jose)
-
Ads March 16, 2022
-
Successful and first back-to-back Canada tour… Supporters ng Sparkle loveteams, ‘di binigo dahil sa all-out performances
HUGE success ang first back-to-back Canada tour ng Sparkle artists noong nakaraang April 5 and 7. Pinakita ng Global Pinoys ang kanilang mainit at umaapaw na pagmamahal at suporta sa Sparkle’s best na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza at David Licauco, at Bianca Umali at Ruru Madrid. Matapos ang successful first […]
-
Donaire may improvements na ginawa sa rematch nila ni Inoue
NANINIWALA si Filipino boxer Nonito Donaire Jr na mas marami na improvements ilang linggo bago ang muling paghaharap niya kay Naoya Inoue sa Hunyo. Nasa Japan na kasi ang ‘The Filipino Flash’ para sa paghahanda sa laban kay Inoue. Itinuring kasi na “Fight of the Year” ang laban nilang dalawa noong […]