PDu30, pumalag sa isyu na kinokontrol siya ni Sen Bong Go
- Published on November 20, 2021
- by @peoplesbalita
TUWIRANG sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi siya kailanman kinokontrol ni Senator Christopher “Bong” Go.
Ito ang tugon ni Pangulong Duterte sa naging pahayag ni presidential aspirant at dating Army officer Lieutenant General (ret.) Antonio Parlade Jr. na si Go ay bahagi ng problema ng bansa at kino-kontrol nito ang mga desisyon ng Chief Executive.
Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na “hindi at walang kinokontrol” si Go na kahit sinuman.
“Kailangan ko is Bong actually, hindi sa lahat, because Bong is the chairperson sa Senate committee on health and demography,” giit ng Punong Ehekutibo.
Aniya, palaging nasa tabi niya si Go dahil ginagampanan lamang nito ang kanyang tungkulin.
“Para may matanungan tayo kaagad,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, kalmadong sinagot ni Go ang paratang na ito ni Parlade laban sa kanya.
“Nasagot na mismo ni Pangulong Duterte na walang nagko-kontrol sa kanya. Siya mismo ang nagsabi na hindi naman sya magiging Pangulo kung pinapaikot lang siya ng ibang tao. Tanging siya ang gumagawa ng kanyang magagandang desisyon at tumutulong lang ako mula pa noon,” ani Go.
Natural lamang aniya na bilang matagal na siyang naging assistant ng Pangulo na umabot pa ng mahigit dalawang dekada ay tumutulong lang siya sa pag-implementa nang tama ng mga desisyon ng Punong Ehekutibo na nakakabuti sa bayan.
Marami aniyang mga desisyon at isa na rito ay ang pagtaas ng suweldo ng mga uniformed personnel na nakabuti sa morale ng lahat ng kasapi ng AFP, PNP, BFP, BJMP at Coast Guard.
“Tanungin natin ang mga kasama nya sa AFP, PNP, etc. Alam nila kung paano ako tumulong na maipatupad ang desisyon na ito ni Pangulong Duterte para sa kapakanan ng mga sundalo, pulis, bumbero at iba pa,” ayon kay Go.
“Ayaw ko nang makipagsagutan kay Gen. Parlade dahil nirerespeto ko siya. Sa katunayan, isa rin ako sa nagrekomenda na maging Undersecretary siya. Alam naman nila ang katotohanan. Mainit na ang pulitika. Pero hayaan natin ang taumbayan ang humusga,” dagdag na pahayag nito.
At katulad nga aniya ng kanyang sinasabi na mas kailangang tutukan ang pagtulong sa kapwa Pilipino habang ang lahat ay unti-unting bumabangon mula sa krisis na ito.
“Basta ako, uunahin ko palagi ang makakabuti sa gobyerno at sa bayan. Serbisyo lang ako at ipaglalaban ko palagi ang interes at kabutihan ng bawat Pilipino,” giit ni Go. (Daris Jose)
-
Marcos, nanawagan para sa kalayaan mula sa COVID, ‘cancel culture’
NANANAWAGAN si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Linggo sa mga mamamayang Filipino na magkapit-bisig para palayain ang bansa mula sa COVID-19 pandemic at paghahati-hati sanhi ng “cancel culture.” Sa kanyang Independence Day message na naka-post sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos na maaari itong makamit ng mga filipino sa pamamagitan […]
-
Pinas, target na makapagrehistro, makapagbigay ng serbisyo sa mga ‘stateless Pinoy’ sa Sabah
TARGET ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur na makapagrehistro ng 550,000 “stateless” Filipino sa Sabah, at sa kalaunan ay makapagbigay sa mga ito ng serbisyo na available para sa mga mamamayang Filipino. Tinatayang may 770,000 Filipino sa Sabah, 550,000 mulasa bilang ng mga ito ay undocumented, ayon kay Filipino citizens, the Department of […]
-
DOTr, nagpaaalala sa mga transport group ukol sa 20% discount ng mga estudyante
PINAALALAHANAN ng Department of Transportation (DOTr) ang mga public transport sa umiiral na 20% discount, kasabay ng muling pagbabalik eskwela. Ayon sa ahensiya, kailangang bigyan ng transport group ang mga estudyante ng akmang discount dahil isinasaad ito ng batas, partikular na ang Republic Act 1134 o ang Student Fare Discount Act na unang pang inaprubahan […]