PDU30, pupunta ng US para magpasalamat sa suplay ng bakuna laban sa COVID-19
- Published on October 2, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari siyang magpunta sa Estados Unidos para pasalamatan ito sa pagsu-supply sa Pilipinas ng ilang milyong COVID-19 jabs.
Matapos makumpirma mula kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Estados Unidos ay magpapadala ng 5 milyong higit pa ng COVID-19 vaccine shots sa Pilipinas, pinuri ng Pangulo ang Washington.
“Ang bait ng Amerika. Baka pupunta ako doon. Just to thank the American government and its people,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi.
Matatandang, inanunsiyo ng US na magbibigay ito ng karagdagang $11.3 milyong na halaga ng COVID-19 assistance sa Pilipinas.
Ang pahayag ay inilabas ng National Security Council ng Estados Unidos matapos ang pakikipag-pulong ni US National Security Advisor Jake Sullivan kina Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin. Jr. at Defense Sec. Delfin Lorenzana sa Washington D.C.
Nagharap ang mga opisyal bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty.
Sinabi ng US na umaabot na $37 million ang naipagkaloob na tulong nito sa Pilipinas mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Ito ay maliban pa sa anim na milyong doses ng US-made vaccines na donasyon ng Amerika sa pamamagitan ng COVAX facility
Samantala, pinuri ni Sullivan ang Pilipinas sa pagtanggap ng Afghan refugees.
Tinalakay din sa pagpupulong ng mga opisyal ang nagpapatuloy na kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa terorismo at pagrespeto sa karapatang pantao.
Nakaharap din ni Locsin sa pagpunta niya sa US si Secretary of State Antony Blinken.
Pinag-usapan ng dalawa ang pagpapalakas pa sa alyansa at pagtutulungan ng Amerika at Pilipinas, ekonomiya at karapatang pantao. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
2 drug suspects tiklo sa drug bust sa Caloocan
LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City. Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Col. Paul Jady Doles, Acting Chief of Police ng Caloocan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities […]
-
Siguraduhin na ang ‘sabong’ operations ay susunod sa health protocols- DILG
IPINAG-UTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na tiyakin na ang pagpapatuloy ng cockpit operations at ang pagbabalik ng tradisyonal na “sabong” sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o o mas mababa pa ay hindi magiging super spreader events ng Covid-19 […]
-
Kabilang sa nag-congratulate ang estranged husband na si Pancho: MAX, ni-reveal na makakasama si CHRISTIAN KANE sa season 2 ng ‘Amazing Paradise’
NANG huli naming makausap ang Kapuso actress na si Max Collins, nabanggit na niya na may kina-e-excite siyang project, pero confidential pa kaya hindi pa niya ma-reveal. So, obviously, ito pala ang ‘Amazing Paradise’ season 2 na napapanood sa Amazon Prime. Natapos ang season 1 nito noong May 2021 and since then, may […]