PDu30, siniguro na matutupad ang itinatakda ng batas hinggil sa pormal na pagpapalit ng bagong liderato ng bansa sa June 30
- Published on May 11, 2022
- by @peoplesbalita
SINIGURO ni Pangulong Rodrigo Duterte na pormal na makakaupo ang idedeklarang susunod na Pangulo ng Republika sa Hunyo a- trenta.
Sinabi ng Punong Ehekutibo, isang Constitutional requirement na dapat nang makapanumpa ang mananalo sa isinagawang Presidential election ngayong taon.
Paniniguro nito, kanyang isasalin ang liderato ng bansa sa sinumang kanyang magiging successor sa gitna ng paninindigang dapat na masunod kung ano ang itinatakda ng batas.
“Base sa umiiral na konstitusyon, alas dose ng tanghali ng Hunyo a- trenta pormal na magsisimula ng kanyang panunungkulan ang ika-labing pitong Pangulo ng Republika,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
PDU30, inaming talagang tinira ang ABS-CBN
INAMIN ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte na talagang tinira nito ang ABS-CBN at sinabihan ang mga miyembro ng Kongreso na nakikipag-deal sila sa isang “mandaraya.” “Tinira ko talaga sila,” ayon kay Pangulong Duterte. “I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you […]
-
Pinoy boxer Magsayo pinabagsak si Ceja
Pinabagsak ni Filipino boxer Mark “Magnifico” Magsayo ang kaniyang nakalaban na si Julio Ceja. Mula sa simula ng laban ay naging mainit ang palitan ng suntok ng dalawang boksingero sa laban na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Pagdating sa ika-sampung round ay ibinuhos ni Magsayo ang mga suntok hanggang […]
-
‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas
MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS). “Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa […]