PDu30, susunod sa Senate protocols sa pagpapalabas ng SALN kapag nahalal na senador
- Published on November 19, 2021
- by @peoplesbalita
SUSUNOD si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa protocols ng Senado sa pagpapalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga miyembro nito kapag nahalal na senador sa 2022 national at local elections.
“I am not familiar with the protocols in the Senate. But whatever it is, I am sure the President will follow whatever protocols or practices there are in the Senate,” ayon kay Acting Presidential spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Matatandaang naging accessible lamang ang SALN ng Pangulo sa publiko noong 2018.
Ang Senado, sa kabilang dako ay nagpalabas ng summary ng SALN ng mga senador kada taon.
Sa ulat, hinamon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Pangulong Duterte na isapubliko nito ang kanyang SALN.
“Yes, I think so. He is the president. The people expect transparency in their leaders,”ayon kay Sotto.
Samantala, nang hingan naman si Nkgrales ng komento sa sinabi ni Sotto ay sinabi nito na kokonsultahin niya ang Pangulo sa bagay na ito at “we’ll come up with a statement after(ward).” (Daris Jose)
-
Dengue sa tag-init, babala ng DOH
PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga lamok na naghahatid ng dengue dahil hindi umano pinalalagpas nito ang panahon ng tag-init sa pagpapakalat ng sakit. Sinabi ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na marami ang nag-aakala na tuwing tag-ulan lamang umaatake ang mga lamok na may dengue. Ngunit hindi […]
-
Ads December 17, 2021
-
Panukalang P200 across the board wage hike aprubado na sa house panel
APRUBADO na sa House Committee on Labor and Employment na pinangunahan ni Rep. Fidel Nograles ang panukalang batas na layong magpatupad ng P200 across the board wage hike. Sa pagdinig ng Komite ngayong araw pinagtibay ng house panel ang substitute bill para sa House Bill 514, 756, 7871 at 10319 na pawang mga panukala para […]