• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, tinawag na sinungaling si VP Leni Robredo

TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na isang  “sinungaling”  nang hanapin siya nito  pagkatapos manalasa ang  bagyong Ulysses.

 

Tila ipinamukha ng Pangulo kay Robredo  na dumalo siya sa  ASEAN Summit online nang umatake ang kalamidad.

 

Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay inakusahan nito si Robredo ng “misleading the public” na siya ay “missing in action” sa panahon ng pananalasa ng bagyo.

 

“I would like to just give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied, making her incapable of truth,” ayon sa Pangulo.

 

“Alam mo, ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo. I was here, dito. I was attending a summit, ASEAN Summit ‘yun, so virtual lang, palit palit kami. We were talking electronic. Nandito ako noon. Kasagsagan ng bagyo, dumaan diyan sa labas, nag-uusap kami dito,”dagdag na pahayag ni Pangulong  Duterte..

 

Giit pa ng Chief Executive na siya ay “night person” na nagta-trabaho ng late kaya’t sa gabi na niya nababasa ang mga official documents.

 

“Sinabi ko sa tao ‘yan that I am a night person, my day begins at 2, 2 o’clock hanggang gabi na, no limit. Hanggang gabi na ‘yan, umaabot ng alas dos, alas tres ng umaga,” ayon sa Pangulo.

 

Itinanggi naman ng Pangulo na natutulog siya habang nagdurusa ang mga mamamayan  sa panahon ng pananalasa ng bagyo.

 

“Ngayon kung sabihin mo may emergency, natutulog ako sa umaga, hindi ako natulog noon. Gising ako ng umaga because of the summit,” binigyang diin nito.

 

Kaugnay nito, itinatwa naman ni Robredo ang alegasyon ni Pangulong Duterte na isa siya sa naghahanap sa Pangulo habang  binabayo ng bagyong Ulysses ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

“I just called out Sec. Panelo for peddling fake news. I am also calling out whoever peddled the fake news to the President, kaya ganito siya ka pikon. I never said ‘Where is the President’? You can review all my tweets,” ani Robredo sa Twitter.

 

Sa ulat, nakipagtulungan na si  Robredo sa mga units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para iligtas ang mga residenteng apektado ng pagbaha ng Bagyong Ulysses sa Cagayan.

 

Sa serye ng Tweets, tiniyak ni Robredo na ang rescue teams ng Philippines Marines ay papunta na sa mga apektadong lugar.

 

Pinaplano na rin aniya ang pagsasagawa ng air rescue.

 

May mga miyembro na rin ng Marines at Philippine Army na naka-standby pero hindi makapasok sa Alcala, Cagayan dahil sa abot-leeg na baha.

 

Papahupain lamang ang tubig para makatawid ang mga rescuers. (DARIS JOSE)

Other News
  • 2.5M Pinoy, naiahon sa kahirapan-PBBM

    IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagawa ng Pilipinas na mapagtagumpayan ang iba’t ibang hamon na kinaharap nito lalo na ang mga hamon sa ekonomiya. “In spite [of] the headwinds that we have faced, we stayed the course,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address, araw ng Lunes, […]

  • 55 Delta variant ng COVID-19 naitala sa bansa

    May panibagong 55 Delta variant ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health.     Sa ngayon ay pumalo na sa 119 na mga Delta variant cases ang kumpirmadong local transmission ng nasabing virus.     Sa 55 na panibagong bilang ay isa na ang nasawi at 54 ang gumaling na.     Nasa 37 […]

  • KATHRYN, umaming madaling uminit ang ulo at clingy girlfriend kay DANIEL

    NAG–RECONNECT si Kathryn Bernardo sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog.      Nadagdagan na raw kasi ng marami pang fans si Kathryn na gusto siyang makilala at sinagot pa niya ang ilang personal na tanong.     Isa sa sinagot ni Kathryn ay kung may nakaaway na ba siyang ibang artista […]