PDU30, tinintahan ang 4 na batas na naglalayong magtatag, mag-upgrade ng mga ospital
- Published on April 21, 2022
- by @peoplesbalita
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang apat na batas na ngalalayong magtatag at i-upgrade ang mga lokal na ospital sa bansa.
Ang newly-signed measures ay Republic Act No. (RA) 11702, magtatatag sa Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas City; RA 11703 magtatatag sa Samar Island Medical Center sa Calbayog City; at RA 11705 na magtatatag sa Ilocos Sur Medical Center sa Candon City.
Pinirmahan din ng Pangulo ang RA 11704 na naglalayong taasan naman ang bed capacity ng Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (DPJGMRMC) sa Cabanatuan City mula 400 ay magiging 1,000 beds.
Ang DPJGMRMC ay “home to a Malasakit Center, a one-stop shop where indigent patients and those who are financially incapacitated can avail of financial and medical assistance from the Department of Social Welfare and Development (DSWD), the Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), and Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).”
Sa ilalim ng batas, ang umiiral na professional health care services at pasilidad ng DPJGMRMC ay upgraded din “to conform with and be commensurate with the increase in bed capacity.”
Ang umiiral na workforce ng DPJGMRMC, na kinabibilangan ng doktor, nurses, at support personnel, ay kailangan din na taasan.
Ang Kalihim ng DOH, ay kailangan, matapos ang konsultasyon sa hepe ng DPJGMRMC, at pakikipag-ugnayan sa Kalihim ng Department of Budget and Management at Commissioner of the Civil Service Commission, ay medetermina ang karagdagang bagong posisyon na lilikhain at para mapunan.
Ang lahat ng batas ay nilagdaan nito lamang araw ng Sabado at ang kopya ng mga dokumento ay ipinalabas, araw ng Lunes.
Samantala, pinuri naman ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Duterte para sa paglagda ng mga nasabing batas na naglalayong i-improve ang delivery nghealthcare services sa iba’t ibang bahgai ng bansa.
“The necessity to equip and upgrade our government health institutions is underscored as we face the Covid-19 pandemic. It is also our responsibility as legislators to push for measures to address the lack of adequate facilities and equipment in our government hospitals, particularly at these critical times,” ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography. (Daris Jose)
-
Ensayo ng Gilas Pilipinas apektado dahil sa ECQ
Labis na naapektuhan ang pagsisimula ng training ng Gilas Pilipinas para sa Asia Qualifiers matapos na tuluyang kanselahin ng Phlippine Sports Commission ang mga training dahil sa paglalagay sa enhanced community quarantine ng National Capitla Region, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite. Base sa naging abiso ng PSC sa National Sports Association (NSA) na […]
-
QC LGU, nagpaalala na mag-ingat sa MPOX , 2nd at 3rd case naitala sa lungsod
PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga mamamayan na mag-ingat laban sa monkey pox o mpox matapos maitala ang ikalawa at ikatlong kaso nito sa lungsod. Ayon sa kalatas na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), kasalukuyan nang naka-isolate ang mga pasyente sa kani-kanilang mga bahay. Sa pahayag ni Quezon […]
-
No-Contact Apprehension Policy (NCAP), imbestigahan
NAGHAIN ng resolusyon ang isang mambabatas para paimbestigahan ang kontrobersiyal na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinatutupad sa may limang siyudad sa Metro Manila. Sa House Resolution No. 237, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na importanteng masiguro na nababantayan ang karapatan at kapakanan ng mga motorista laban sa posibleng pang-aabuso sa […]