• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, walang ipinangako noong 2016 election na may kinalaman sa Chinese ‘incursion’ sa WPS

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang ipinangako na kahit na ano hinggil sa Chinese ‘incursion’ sa West Philippine Sea, nang tumakbo siya sa pagka-pangulo noong 2016 elections. 

 

“I never, never, in my campaign as President, promise the people that I would re-take the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

“I never promised anything. Just because I’m President, gusto n’yong makipag-away ako,” dagdag na pahayag nito.

 

Giit nito, nagpanggap lamang ang mga opisyal ng nagdaang administrasyon na tina-trabaho ang usaping ito.

 

Sa pre-election debate noong 2016, sinabi ni Duterte na hindi siya maglulunsad ng giyera laban sa China kapag hindi ito sumunod sa ruling ng The Hague na pumabor sa PIlipinas hinggil sa maritime dispute sa China.

 

Sa halip ay hihilingin niya sa Philippine Navy na dalhin siya sa boundary ng Spratlys sa West Philippine Sea para siya ay makapag ‘jet ski’ habang bitbit ang watawat ng Pilipinas.

 

Sinabi pa niya na pupunta siya sa airport na itinayo ng China sa reclaimed land at itatanim doon ang Philippine flag.

 

“This is ours. Do what you want with me,” ang sasabihin aniya niya sa Beijing.

 

“Matagal ko nang ambisyon na maging hero ako. Kung pinatay nila ako dun, bahala na kayo umiyak dito sa Pilipinas.” diing pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • SUNSHINE, ibinahagi na na-expose at nag-positive kaya pinagdiinang ‘Covid-19 is real’

    IBINAHAGI ni Sunshine Cruz na na-expose siya at nag-positive sa Covid-19 kaya kailangang mag-isolate para hindi na makahawa.     Sinimulan niya ang IG post noong April 14 sa pamamagitan ng isang quote: “He won’t make us face anything that He knows we cannot get ourselves through.. Making us definitely stronger.”        Saka sinabing, […]

  • Magsasagawa ng ‘house-to-house’ jabs, paigtingin – Malakanyang

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan lang na paigtingin ang “house-to-house” vaccination sa vulnerable at senior citizens ng local government units (LGUs) para mas mapapabilis ang COVID-19 vaccination campaign ng gobyerno sa labas ng National Capital Region (NCR) at kalapit-lalawigan.     Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang tagumpay ng […]

  • Kai Sotto pinayagan ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers

    Maaari ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers window 2 si Kai Sotto.     Sinabi ni Gilas team manager Richard del Rosario, na nabigyan na ng clearance ng doctor ang 7-foot-3 pero hindi pa matiyak kung makakapaglaro na si AJ Edu.     Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 6-foot-10 na si Edu dahil sa […]