Pebrero 9, idineklarang special non-working day para sa Chinese New Year
- Published on January 23, 2024
- by @peoplesbalita
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang special non-working day sa buong bansa ang Pebrero 9, 2024 bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.
Tinintahan ni Pangulong Marcos ang Proclamation 453 nito lamang Enero 18, nagdedeklara ng nationwide holiday para mabigyan ng pagakakataon ang mga Filipino na ipagdiwang ang Chinese New Year at i-enjoy ang mas mahabang weekend.
“The declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend,” ang nakasaad sa proklamasyon.
Sa ilalim ng Proclamation 453, inatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng kaukulang circular para sa implementasyon ng proklamasyon para sa pribadong sektor.
Matatandaang noong, Oktubre 11, 2023, nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamation 368, nagdedeklara sa Feb. 10, 2024, bilang special non-working day sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ang Chinese New Year ay ang tradisyonal na pagdiriwang ng mga Tsino sa pagpasok ng bagong taon batay sa sinusundan nilang lunar calendar.
Sa Pilipinas, tinawag itong Chinese New Year kung saan dati’y ipinagdiriwang lamang ng mga Tsino-Pilipino at nakasentro sa Binondo, isa sa mga pinakalumang Chinatown sa bansa. (Daris Jose)
-
Mister, kulong sa baril at patalim sa Caloocan
KALABOSO ang 46-anyos na mister matapos inguso sa mga pulis na may dalang baril habang gumagala sa lansangan sa Caloocan City. Batay sa report, nakatanggap ng impormasyon ang East Bagong Silang Sub-Station 13 hinggil sa isang armadong lalaki na pagala-gala sa Brgy. 176. Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng SS13 sa naturang lugar kung saan […]
-
BAKUNAHAN SA BEDRIDDEN SA NAVOTAS, SINIMULAN
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Huwebes ang house-to-house na pagbabakuna kontra sa COVID-19 upang mapaglingkuran ang mga Navoteño na hindi makapunta sa vaccination sites ng lungsod dahil sa sakit. Nasa 30 bedridden senior na mga residente ng Barangay Tangos North at South ang nakatanggap ng kanilang unang bakuna sa kanilang bahay. […]
-
COVID-19 reproduction number sa NCR bumaba sa 0.99 – OCTA
Patuloy na nakakakita ang OCTA Research group ng improvement sa reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 0.99 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa nauna nilang report na aabot pa sa 1.03. Umaasa si David na […]