Pedicab driver todas sa motor sa Navotas
- Published on December 21, 2021
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang pedicab driver matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Road-10 sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Dennis Pagulayan, 39 ng R-10, Brgy., NBBN Proper.
Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang driver ng Yamaha Nmax motorcylce (630-ATF) na kinilalang si Manuel Maribojoc, 51 ng 5 Vincent St., B.F Road Quezon City.
Base sa report ni PSSg Levi Salazar kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang insidente kahabaan ng Road-10, NBBS Proper.
Sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ni Maribojoc sakay ng kanyang motorsiklo ang naturang lugar patungong Malabon City nang aksidente nitong mabangga ang biktima na tumatawid sa lugar.
Matapos nito, isinugod ang biktima at ang driver ng motorsiklo sa naturang pagamutan subalit, hindi na umabot ng buhay si Pagulayan habang matapos naman magamot ang tinamong mga sugat ay dinala sa himpilan ng pulisya si Maribojoc. (Richard Mesa)
-
Guce tumapos na ika-25 sa Michigan, P98K sinubi
NAGSALPAK ng even-par 72 sa likod ng four birdies at two bogeys at one double bogey si Clarissmon ‘Clariss’ Guce para sa three-day aggregate six-under par 210 upang humalo sa triple-tie sa 25th place na mayroong $2,049 (P98K) sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass […]
-
Hindi nagustuhan ang ginawa ni VP Sara… AFP officers ‘di pabor sa paggamit sa kanila sa P15 million DepEd confidential funds
HINDI nagustuhan ng mga opisyal ng sundalo ang ginawa ni Vice Pres. Sara Duterte na ginamit ang inilabas nilang sertipikasyon sa pag-liquidate ng P15 milyong halaga ng confidential funds ng DepEd dahil hindi naman ito sa kanila napunta. Kung alam lamang umano nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., […]
-
Mga proyektong may kinalaman sa crime monitoring activities, irerekomenda ng DILG
IREREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa incoming officials ng departamento ang mga proyektong may kaugnayan sa crime monitoring activities. “Nasa sa kanila na po ‘yun kung gusto nilang ipagpatuloy pero highly recommended po ‘yun, kung nasimulan lang sana ng maaga nung 2019 dapat patapos na ‘yan today,’’ayon kay […]