• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PEKENG DENTISTA TIMBOG SA ENTRAPMENT

ISANG umano’y pekeng dentista ang arestado habang nagsasagawa ng dental procedure sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa loob ng kanyang clinic sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ni District Special Operations Unit of Northern Police District (DSOU-NPD) head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Marian Meneses, isang insurance agent at residente ng 804 Heroes Del 96 Brgy. 73 Zone 7 Caloocan City.

 

 

Ang kaso ay nagmula sa reklamo na isinampa sa opisina ni NPD Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr. ng Philippine Dental Association (PDA) kasunod ng impormasyon na natanggap hinggil sa illegal practice na ginagawa ni Meneses sa loob ng kanyang bahay na nagsilbi bilang dental clinic.

 

 

Inatasan ni BGen. Hidalgo si Lt. Col. Dimaandal na alamin ang reklamo at matapos makumpirma ang ulat ay isang entrapment operation ang ikinasa ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon dakong alas-11:15 ng umaga, kasama ang isang dentista mula sa PDA na si Dr. Narisa Ragos na umaktong poseur-patient.

 

 

Habang sa aktong nasa dental procedure kay Dr. Ragos, kasama ang isang police decoy, isang pre-arranged signal ang natanggap ni Lt. Pabon at kanyang mga tauhan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Meneses.

 

 

Nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang ilang dental materials katulad ng upper impression tray, alginate impression, alginate powder, plasterspatula, mouth mirror at record chart.

 

 

Nabigo rin ang suspek na magpakita ng mga ligal na dokumento upang mapatakbo ang kanyang dental clinic tulad ng certificate of registration, professional identification card at iba pa at sa halip ay nagpasya itong manahimik.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9484 otherwise known as The Philippine Dental Act of 2007 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Hugh Jackman’s Wolverine to Return in ‘Deadpool 3’, Ryan Reynolds Confirmed / Cast and Filmmakers from “AMSTERDAM” Celebrate Film’s World Premiere

    ARE you excited to see Deadpool and Wolverine together in one film? Ryan Reynolds officially announced the return of Hugh Jackman as Wolverine in his upcoming film Deadpool 3.     In a video, Reynolds made a simple announcement video– one in stark contrast to Deadpool‘s outrageous plots and sequences– where the actor teased his […]

  • IHU coronavirus hindi pa ‘variant of concern’ – health expert

    Hindi maituturing na variant of concern ang IHU coronavirus variant na unang natuklasan sa France.     Sinabi ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na mula pa noong Nobyembre 2021 ay binabantayan na ito ng World Health Organization (WHO).     Dagdag pa nito na marami itong mutations pero wala umano itong immune evasion […]

  • Ads March 22, 2024