PEKENG OPTOMETRIST, INARESTO NG NBI
- Published on October 13, 2022
- by @peoplesbalita
INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pekeng Optometrist sa Iriga City
Ang pagkakaaresto kay Josephine Nazarrea y Balang ay bunsod sa reklamo ng Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc. (IPAO)-Camarines Sur dahil sa pagpa-practice nito ng Optometry sa N. Balang Sagara Optical Clinic sa New Iriga City Public Market.
Lumalabas din na wala ang pangalan ni Nazarrea sa database ng registered o lisensyadong Optometrist.
Nauna dito, isang poseur client ang nagpanggap na magpakonsulta ng kanyang mata at nakalipas ng ilang minuto ay niresetahan siya ng isang salamin na na nagkakahalaga ng P3,500 at sa puntong tinatanggap ng suspek ang bayad ay inaresto ito.
Narekober din sa suspek ang isang set ng Trial Case na may incomplete lenses ; sampung Diopter), isang piraso ng Trial Frame, isang piraso ng Reading Chart, isang Prescription Paper, isang Nike Brand Plastic frame; isang Snellen Chart.
Si Josephine Nazarrea y Balang ay iniharap sa inquest proceedings sa City Prosecutor’s Office sa Iriga City dahil sa paglabag sa Section 32(f) in relation to Section 5 ng RA 8050, sa ilalim ng Section 33 of RA (Revised Optometry Law). (Gene Adsuara)
-
Confident na na-meet ang expectations sa kinalabasan ng ‘Start-Up PH’: BEA, very thankful and flattered sa mga papuri ni ALDEN
CONFIDENT si Alden Richards na na-meet ang expectations nila sa kinalabasan ng Philippine version ng Start-Up. Kahit daw hindi naman siya nakakapanood ng playback during the taping pero based sa trailer ng Start-Up ay they have a good show. “We have something that we are very proud of. Hindi naman natin […]
-
KASO NG DENGUE SA MAYNILA, MANAGEABLE PA
HINDI pa nakakaalarma at “manageable” pa ang mga kaso ng dengue sa lungsod ng Maynila. Ito ang pahayag ni Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Head Arnel Angeles kasabay ng isinagawang fogging at misting operations sa Maynila ngayong araw, Biyernes. Partikular sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, na […]
-
Ads June 12, 2021