• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pekeng social media account ginagamit

PINAG-IINGAT ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko hinggil sa mga pekeng social media account na ginagamit ang pangalan ng kanilang ahensiya.

 

Sa abiso ng BOC, may ilang indibdwal o grupo ang nagpapakilala sa social media na tauhan ng customs kung saan ginagamit nila ito sa iligal na paraan at marami na rin ang nabibiktima nito.

 

Idinadawit din ang mga pangalan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na naniningil ng pera para sa mabilisan transaksyon sa mga karagamento.

 

Nilinaw ng BOC na hindi sila nagsasagawa ng anumang transaksyon na idinadaan sa social media o sa mga online platforms at tanging sa opisina lamang nila ito ginagawa.

 

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan ns ang BOC sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para makilala at mapanagot ang mga nasa likod ng iligal na gawain.

 

Pinapayuhan naman ang publiko na huwag ng tangkilikin at agad na ireport sa mga otoridad o sa tanggapan ng BOC ang sinumang mag-aalok nito. GENE ADSUARA

Other News
  • ‘Firefly’, kinabog ang naglalakihang pelikula: EUWENN, tinanghal na Best Child Performer sa ‘MMFF 2023’

    WALANG pag-aalinlangan na nagniningning ang mga ilaw para sa ‘Firefly’ sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, nang mag-uwi ang pelikula ng tatlong major awards sa 15 nominasyon, kabilang ang Best Picture.     Produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, tinalo rin ng ‘Firefly’ ang iba pang […]

  • Yuka Saso, binati ng Malakanyang

    “Today is a great day in Philippine sports.”   Binati ng Malakanyang si Yuka Saso na nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas nang manalo sa 2021 US Women’s Open.   Matatandaang nauna nang nakita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Saso sa Malakanyang nang pagkalooban ito ng Presidential citation matapos na manalo ng gold medal sa […]

  • 145 mga bagong athletic scholars ng Navotas

    PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Navotas Schools Division Office Superintendent Dr. Meliton P. Zurbano, mga scholars, at kanilang mga magulang o guardians, ang memorandum of agreement para sa NavotaAs Athletic Scholarship Program kung saan umabot sa 145 Navoteño elementary at high school students na mahuhusay sa sports ang tinanggap ng Pamahalaang Lungsod […]