• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PEOPLE’S ALLIANCE FOR DEMOCRACY & REFORM (PADER), inilunsad para suportahan ang administrasyon ni PBBM

LUMAGDA sa isang manipesto ang limampung lider mula sa iba’t ibang alyansa at multisectoral groups sa iba’t ibang panig ng Pilipinas nitong 18 ng Oktubre 2024, upang ilunsad ang People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER ng Demokrasya) para suportahan ang pamumuno ni PBBM at ipagbunyi ang mga magagandang programa at repormang kanyang nasimulan para sa tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran tungo sa bagong Pilipinas.

 

 

“Ating dakilang adhikain at tungkulin sa ating makasaysayang pagkakaisa ay para palakasin ang ating bansa at lubos na itinataguyod at nagtatanggol sa mandato ng taumbayan na ipinagkaloob sa ating mahal na Pangulong Ferdinand “BongBong” Romualdez Marcos Jr. sa pagtitiyak ng isang Bagong Pilipinas para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan at mamamayang Pilipino. Bilang isang nagkakaisang koalisyon, kami ay naninindigan kasama ang mamamayang Pilipino sa isang pagpapakita ng matatag na pagkakaisa para sa pagnanais ng tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa sa pamumuno ni PBBM”, ayon sa pinirmahang manipesto ng koalisyon.

 

 

 

“Pinapahayag namin ang malakas at mahigpit na suporta sa pamumuno ni PBBM. Naniniwala kami na si Pangulong BongBong Marcos Jr. ang tamang lider na may lubos na dedikasyon, sinseridad, paninindigan, “Political Will” at integridad para ipatupad ang mga kritikal na programa para sa ikabubuti at ikauunlad ng bansa. Ang kanyang patnubay at pamumuno ay napakahalaga para sa pagbabago at kaunlaran ng bansang Pilipinas,” dagdag ng nilalaman ng manipesto.

 

 

Nangako rin ang koalisyon na PADER, na maninindigan kasama ang mamamayan at pamahalaan sa pagtitiyak ng isang maayos na pamamahala, mapayapang pamayanan at maunlad na kinabukasan para sa sambayanang Pilipino.

 

 

Buong-buo ang tiwala ng mga lider na suportahan ang pamumuno ni Pangulong BongBong Marcos Jr. at naniniwala sila na hindi kailanman bibiguin ng Pangulo ang kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Mahigit 28-K kababaihan nag-apply para maging train driver sa Saudi Arabia

    NASA mahigit 28,000 na mga kababaihan sa Saudi Arabia ang nag-apply para maging driver ng train.     Ayon sa Spanish rail company na Renfe, matapos ang kanilang anunsiyo na nangangailangan sila ng nasa 30 babaeng train drivers ay laking gulat nila na umabot sa mahigit 28,000 ang nagsumite ng kanilang application letter.     […]

  • BF.7 dapat ikabahala – expert

    DAPAT umanong ikabahala ng mga health authorities sa bansa ang presensya ng Omicron subvariant na BF.7 dahil sa kakayahan nito na muling magpataas ng mga kaso tulad ng nangyayari sa China. “Well, that is a concern considering that we are not having accurate information coming from China and China has a past history of not […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 50) Nalalapit na ang pagwawakas… Story by Geraldine Monzon

    HINDI MAITAGO  ni Regine ang inis kay Bela dahil sa pangingialam nito sa mga plano niya kaya hindi niya napigilan na maghimutok sa bagong kakampi na si Roden.   “Magtiwala ka lang sa’kin Regine. Basta tutulungan mo ako na mapabagsak si Bernard.”   Sa sinabi ng lalaki ay natigilan si Regine at napasandal sa upuan […]