Peoples Empowerment Act, inaprubahan sa huling pagbasa
- Published on January 20, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan sa huling pagbasa ang mga mahahalagang panukala kabilang na ang House Bill 7950 o ang “People’s Empowerment Act.”
Sa botong 217-0, at anim na abstensyon, layon ng panukala na itatag ang sistema ng pakikipagsosyo sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga civil society organizations (CSOs) sa pamamagitan ng pagtatatag ng People’s Council sa bawat local government unit (LGU).
Ang People’s Council ay kabibilangan ng mga akreditadong CSOs, na makikibahagi sa pagbuo, implementasyon at susuri sa mga aktibidad ng pamahalaan.
Magpapanukala rin ng lehislasyon ang People’s Council, gayundin ang paglahok at pagboto nito sa antas ng Komite ng lokal na sanggunian.
Aprubado rin sa huling pagbasa ang HB 8140 o ang “Media Workers Act”; HB 8057 o ang “Magna Carta of Filipino Seafarers”; HB 8164 o ang “Philippine Veterans Bank Act”; HB 7460, na nagdedeklara sa Davao bilang “Chocolate and Cacao Production Capital of the Philippines”; at ang HB 2378, na nagdedeklara sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan bilang “Human Resource Capital.” (ARA ROMERO)
-
Magkakaroon ng ’thanksgiving tour’ ngayong Sabado: Reunion movie nina JOSHUA at JULIA, higit P320 million na ang kinita
AS of August 28, 2024, Wednesday, umabot na sa PHP320M ang gross sales ng Un/Happy For You. Third week na sa mga sinehan ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto at tiyak na lalaki pa ang kinita nito dahil bukod sa domestic gross ay madagdag pa international screenings nito. […]
-
Ngayong tapos na sa pagdidirek ng ”Prima Donnas’ GINA, maninibago sa kanyang role sa first series nina ALDEN at BEA na ‘Start Up’
MAS lalo pa yatang na-inspire magtrabaho si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kahit sunud-sunod ang dumarating na work sa kanya. Bukod kasi sa pagti-taping niya ng daily show niya sa GMA Network, ang high-rating na “Family Feud Philippines,” hands-on pa rin siya sa kanyang delivery business na “Dingdong PH.” Sa Instagram […]
-
Modified coding scheme nakatulong sa pagluluwag ng trapiko
Nakatulong sa pagluluwag ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang muling pagpapatupad ng modified number coding scheme sa National Capital Region (NCR) Nabawasan ang trapiko sa kalakhang Manila ng muling ilungsad ang number coding scheme sa rush hours mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi. […]