Perang hiniram ng gobyerno para pondohan ang COVID-19 vaccine rollout, nananatiling nasa bangko- PDu30
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
NANANATILING nasa bangko ang perang hiniram ng pamahalaan para pondohan ang COVID-19 vaccine rollout.
Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi na nananatili ang pera sa lending bank at hindi ito hinahawakan ng gobyerno ang anumang pera bilang cold cash.
“The money is still in the hands of the bank, and they collect, ‘yung nagpabili sa atin ng bakuna , from the bank,” paliwanag nito.
It’s the bank that will pay, upon our advise, na na-deliver na ‘yung bakuna,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Nauna rito, sa ulat, kinuwestiyon kasi ng ilang mambabatas kung paano gastusin ng pamahalaan ang inutang nito lalo pa’t donasyong bakuna pa lamang mayroon ang bansa sa ngayon.
Maliban sa mga donasyong bakuna mula sa China, ang bansa ay nakabili ang bansa ng milyong doses ng Sinovac’s COVID-19 vaccine, na nakatakdang i-deliver ngayong katapusan ng buwan, ayon naman kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.
“Yung pera na bilyon na bilyon na ibinigay nila sa Kongreso akala nandiyan na sa kamay natin, that it’s cold cash. Sinasabi na natin time and again that the money is with the lending bank… still. So we have not used a single centavo,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.
“About the vaccines that we are going to buy, well donated ito lahat sa ngayon…Ngayon itong darating, darating na ‘yung babayaran natin. Doon pa dapat sila magtanong kung nasaan na ‘yung pera,” anito.
Sa ulat, nasa mahigit P126 bilyon na ang aprubadong utang ng bansa para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. Pero bukod sa donasyon ng Tsina at COVAX, nasaan ang mga bakunang dapat ay nabili sa pamamagitan ng naturang pondo?
Tanong ito ni Senador Panfilo Lacson matapos tingnan ang impormasyon mula sa World Bank (WB), Asian Development Bank (ADB) at Asian Infrastracture Investment Bank, at ng Department of Finance (DOF).
“Magpakatotoo sana, doon muna sa basic. Sabihin lang ang totoo. So long as the concerned authorities do not recognize the problem, we cannot come up with a solution. Bigyan talaga ang lowdown sa Pilipino at maging decisive sana,” paliwanag ni Lacson
Ayon kay Lacson, inaprubahan na ng WB, ADB at AIIB ang utang sa Pilipinas, kasama na ang:
* April 20, 2020: US$100M
* May 28, 2020: US$500M
* Dec 16, 2020: US$600M
* Mar 12, 2021: US$500M
* March 2021: US$400M
* March 2021: US$300M
* P10B – DOH Bayanihan budget
“Nasaan ka bakuna?” banggit ni Lacson sa kanyang Twitter account.
Nilinaw ng mambabatas na hindi niya hinahanap ang naturang pondo dahil naging tiniyak naman ng DOF na ang perang inutang ay diretsong mapupunta sa mga supplier.
Ayon pa kay Lacson, naging maagap umano ang DOF sa paghahanap ng pondo upang makuha ng bansa ang tsansang mapabilang sa mga mapapauna sa mga bakuna subali’t hindi naman ginawa ng ibang naatasan ang kanilang responsibilidad.
“Finance Secretary Carlos Dominguez III had repeatedly said we have enough funds and the DOF should be commended for having the foresight in taking the initiative to negotiate for the loans much ahead of time. However, no matter how efficient the DOF team is, why did the other team not act early?” banggit ni Lacson.
Pero kung hindi rin lamang matutupad ang mga ipinapangako, dapat na iwasan ng mga kinauukulan na magsiwalat ng mga detalye dahil nakakadagdag lamang ito sa pagkadismaya ng mga tao.
Sa usapin ng target ng gobyerno na makapagbakuna ng 450,000 katao araw-araw umpisa sa Abril, nakahanda ang mambabatas na pangunahan ang pagsasampa ang resolusyong naglalayong magdeklara kina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. bilang makabagong bayani, kung ito ay matutupad.
“Let’s make this happen and I will spearhead the adoption of a Senate resolution hailing those in charge of the country’s vaccination program as modern day heroes,” banggit ni Lacson sa kanyang Twitter account.
Pero malayo umano sa katotohanan ang naturang senaryo kung pagbabatayan ang mga nakaraang pangyayari.
Ipinaalala ng senador sa pamahalaan na ituring na katuwang ang pribadong sektor laban sa COVID-19 para bumilis ang pagdating ng bakuna sa bansa dahil ang pag-alalay ng naturang sektor ay una nang nasubukan sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda, kung saan ay tumayo siya bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR).
Dagdag pa niya, bagama’t parehong may pagkukulang ang pamahalaan at ang publiko ngayong panahon ng pandemya, mas malaki umano ang responsibilidad na kailangan na balikatin ng una.
Marami pa umanong kailangang gawin para malagpasan ng bansa ang banta ng COVID gaya ng ginagawa ng Estados Unidos na halos kada 10 segundo ay nakakapagturok sila ng isang bakuna. (Daris Jose)
-
58% ng POGO-related crimes sa PH sangkot sa human trafficking – Sen. Gatchalian
KARAMIHAN ng mga krimen may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ay sangkot sa human trafficking ayon kay Senate way and means committee chair Senator Sherwin Gatchalian. Sa ipinadalang sulat ng Senador sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ng mambabatas na nasa 65% o 68% ng 113 POGO-related cases na naitala […]
-
52% ng Pinoy ‘disapprove’ sa pagtugon ni Marcos Jr. sa inflation — Pulse Asia
LAGPAS kalahati ng Filipino adults ang kritikal sa pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagdating sa pagkontrol ng pagtaas ng presyo ng bilihin, ayon sa bagong survey ng Pulse Asia na inilabas nitong Martes. Ito’y kahit na nakakuha ng 78% na performance rating si Bongbong sa parehong pag-aaral, bagay na mayorya […]
-
Give-away na social media postings nila: CARLO, obvious na hiwalay na talaga sa ina ng anak na si TRINA
OBVIOUS naman na hiwalay na talaga sina Carlo Aquino at ang ina ng anak niya na si Trina Candaza. Ang dalawa na rin ang naggi-give-away sa mga social media postings nila. Kahit na may mga comments na nagsasabing dapat daw, hindi na lang nagpo-post ng kung ano-anong patama si Trina sa […]