Perez, Black kikilalanin ng PBA Press Corps
- Published on March 6, 2021
- by @peoplesbalita
PAMUMUNUAN nina Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Aaron Black ang mga gagawaran sa PBA Press Corps PBAPC) virtual Awards Night 2021 sa Marso 7 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.
Sa pangalawang sunod na taon, tinanghal na Scoring Champion si Perez, 27. Si Black, 30, ang mamumuno sa All-Rookie Team.
Pinag-isa ng mga reporter na regular na kumukober ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagkilala sa top performers ng 2019 o 45th season at 2020 Philippine Cup sa Clark bubble dahil hindi naidaos ang okasyon sa nakaraang taon sanhi ng Coronavirus Disease 2019.
May average si Perez na 24.4 points sa all-Pinoy conference sa Pampanga habang nasa Terrafirma pa.
Nitong offseason o Pebrero 1 lang, lumipat na siya ng San Miguel Beer kapalit ng limang manlalaro.
Sa kanyang unang taon sa liga, Rookie of the Year ang dating kamador ng Lyceum of the Philippine University Pirates at kasama sa Mythical Team.
Hindi natakot si Black sa bubble, parang beterano kapag rumesponde sa tawag ng Meralco na tinulungan niya hanggang semifinals. Siay ang tatanggap ng Outstanding Rookie ng bubble.
Kasama ni Black sa All-Rookie squad sina Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel, Roosevelt Adams ng Dyip, Barkley Ebona ng Alaska Milk at Renzo Subido ng NorthPort.
Magkakaloob din ng Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive, President’s Award, Top Bubble D-Fender, All Bubble D-Fenders, Mr. Quality Minutes, at Game of the Bubble. (REC)
-
Babala ni VP Sara, 200 OVP personnel maaaring mawalan ng trabaho dahil sa budget cut
NAGBABALA si Vice President Sara Duterte na posibleng mawalan ng trabaho ang 200 empleyado mula sa Office of the Vice President (OVP) sa gitna ng kapos na alokasyon para sa taong 2025. Sinasabing P733-million na panggastos lamang para sa Office of the Vice President (OVP) ang inaprubahan ng mga senador sa loob lamang ng 10 […]
-
Grupo ng mga PUJ, magbabawas ng biyahe at designated stops’
DAHIL na rin umano sa nagbabadya na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-11 sunod-sunod na linggo, mapipilitan na raw ang mga driver ng public utility jeepneys (PUJs) na magbawas ng kanilang mga biyahe. Ito ay para makatipid sa pera at krudo. Sinabi ni 1-UTAK chair Atty. Vigor […]
-
Muling nagkasama sa ‘My Guardian Alien’: KIRAY, nilinaw na never niyang naka-relasyon si KIRST
PATINDI nang patindi ang action at drama sa GMA Prime series na “Black Rider” kaya naman, puspusan rin ang paghahanda ng mga bida nito, kabilang na si Jon Lucas, sa training at conditioning nila para sa serye. Ayon kay Jon, isa sa mga preparation niya para para sa action scenes nila ay mag-training. […]