• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perez maaring lumipat sa San Miguel Beer

NAGBUKAS na nitong Lunes, Enero 4 ang trade para sa 12 koponan na mga nagpiprepara para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.

 

 

Ipinahayag ni PBA commissioner Wilfrido Marcial, na pinairan ang moratorium sa trade sapul nang mag-Covid-19 nitong Marso 2020 sa bansa.

 

 

At malang din aniyang maraming swap ang maganap bago at pagkatapos ng ng 36th PBA Rookie Draft 2021 sa Marso 14.

 

 

Ang isa sa mga inaabangan sa pagbabalik ng palitan ng mga manlalaro ay si Christian Jaymar ‘CJ’ Perez ng Terrafirma Dyip, na umuugong na posibleng lumagak sa magbabagong bihis na San Miguel Beer.

 

 

Last trade sa propesyonal na liga nitong Pebrero 2020 pa, na naghatid kay John Paul ‘Poy’ Erra sa TNT buhat sa North Luzon Expressway sangkot ang Blackwater Elite.

 

 

Nananatiling tikom ang bibig ni San Miguel Corporation Sports Director Alfrancis Chua at Beermen coach Leovino ‘Leo’ Austria nang hingan ng komento kahapon ng People’s BALITA. (REC)

Other News
  • Karapatan ng mga manggagawa na magwelga, aprubado sa Komite

    INAPRUBAHAN  ng House Committee on Labor and Employment ang draft substitute bill sa House Bill (HB) 7043, na naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magwelga.     Ipinaliwanag ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Democrito Mendoza (Partylist, TUCP), may-akda ng panukala na, “The right to strike and to engage in concerted peaceful […]

  • Ads April 27, 2023

  • 7 drug suspects nalambat sa buy bust sa Malabon

    BAGSAK sa kalaboso ang pitong drug suspects, kabilang ang tatlong babae matapos makuhanan ng higit P87K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.     Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]