Perez pambulaga ng SMB bilang panimula, kapalitan
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
INAARAL pa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang magiging papel ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa San Miguel Beer kung starter, o off the bench para sa pagbubukas ng 46th Philippine Basketball Association (PBA 2021 Philippine Cup.
Mababatid ito kapag nakaliskisan na sa ensayo na ang 2018-19 Rookie of the Year, 2018 top rookie pick at two-time scoring champion sab ago niya o pangalawang team tapos i-trade ng Terrafirma sa anim na manlalaro ng Beermen.
Hindi pa makalog ni San Miguel coach ang kanyang starting five kina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Christopher ‘Chris Ross at Alexander ‘Alex’ Cabagnot Jr.
“It will depend pa, during the offseason pa lang malalaman kung sino maganda ang chemistry,” wika kahapon ng Beermen bench tactician.
Mas malamang , hirit ni Austria, na magbuhat sa bench si Perez kasabay ni Terrence Romeo para sa backcourt ng serbesa.
Puwede rin na depende sa kalaban.
“Si CJ, kapag kalaban halimbawa TNT (Talk ‘N Text), panapat siya kay (Bobby Ray) Parks, Jr. ‘Pag Phoenix, maaring itapat kay (Calvin) Abueva. Depende sa matchup,” esplika pa ni Austria.
Ang tiniyak na magiging mahaba ang minutong ilalaro rin ni Perez katulad sa Dyip.
“Definitely talagang mahaba niyang playing time. Pero depende rin sa game. Siyempre, lahat naman ng teammates niya can score, eh,” wakas na namutawi sa veteran coach. (REC)
-
Gawilan lalangoy, pasok sa Tokyo Para Games
MAY panlaban rin ang Philippine Team sa 2020 Tokyo Para Olympics matapos makasungkit ng slots si swimmer Ernie Gawilan matapos maabot ang kinakailangang puntos para mapasabak sa quadrennial meet na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 6. Nakalap ni Gawilan ang Olympic points bunsod nang matikas na kampanya sa 2018 Asian Para Games sa […]
-
Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM
PATULOY na pinaplantsa ng pamahalaan ang problema sa industriya ng asukal. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental. Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan […]
-
DBM, aprubado ang paglikha ng 89 plantilla positions sa National Museum
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang naging kahilingan ng National Museum of the Philippines (NMP) para sa ‘organizational at staffing changes’ kabilang na ang paglikha ng 89 karagdagang permanent positions. Ang pagpayag ng DBM ay pagkilala sa mahalagang papel ng cultural heritage at kasaysayan sa economic development ng […]