• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perfect couple at kita na ang pagkakahawig: IG post ni BEA na kasama si DOMINIC, pinupuri ng netizens

MAY possibility pala na mabawasan ang mga hosts ng noontime show na “Eat Bulaga” pero hindi naman ibig sabihin ay tatanggalin nila ang mga regular hosts na napapanood ngayon, kundi may mga soap o ibang projects silang gagawin.

 

 

Ibig sabihin, magkakaroon ng conflict sa schedule nila dahil may mga tinanggap o may ibinigay na bagong projects sa kanila,

 

 

Balita kasing magkakaroon na ng season 2 ang “Running Man” na muling kukunan sa South Korea. Kabilang sa participants nito sa first season sina Glaiza de Castro, Buboy Villar at si Kokoy de Santos. Sila pa rin kaya ang bubuo sa second season?

 

 

Heard na may bago ring teleserye na sisimulan si Glaiza sa GMA Network. Si Michael Sager ay may sisimulan ding soap sa GMA, ang “Shining Inheritance” na adaptation of a Korean drama na makakasama niya sina Kate Valdez at Kyline Alcantara.

 

 

Sa ngayon, si former Manila Mayor Isko Moreno ay nagti-taping din ng “Black Rider” with Ruru Madrid, pero nagkasundo na ang production at si Yorme na tatawagan na lamang siya for the taping, after ng “Eat Bulaga.”

 

 

Sila kasi ni Paolo Contis ang poste ng noontime show kaya kailangang present sila Lunes hanggang Sabado. Si Paolo ay payag ding mag-soap kung may offer na darating, pero mas priority niya ngayon ang “Eat Bulaga” dahil happy siya sa kanyang ginagawa.

 

 

Okey din naman sa kanya ang weekly taping like sa “BBLEGang” na napapanood every Sunday, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

PINUPURI ng mga netizen ang Instagram post ni Bea Alonzo na magkasama sila ng boyfriend na si Dominic Roque na nag-attend ng isang event.

 

 

At sa caption ni Bea, “My date at the @iwanttosharefoundation Gala. It was a beautiful night for a cause!

 

 

Comment nina @marcelina.laxina, “Happy to see you together again esp in a charitable event. God bless your plans for the tying of the knot soon”, @mabb.28_ “Grabe yun resemblance nila kaya meant to be talaga”, @mhie_lyn89 “Perfect couple”, @shai_raketera Queeen!! “Bakit parang 20 yrs old ka lang?”

 

 

Samantala, ngayong gabi na (September 25) ang world premiere ng “Love Before Sunrise” pagkatapos ng “Maging Sino Ka”.

 

 

Nagbabalik ang two of the country’s biggest and brightest stars na sina Bea at Dennis Trillo sa pagganap sa isang extraordinary story tungkol sa lost love and missed chances.

 

 

Makakasama rin nila sina Sparkle leading lady Andrea Torres and award winning actor Sid Lucero.

 

 

Ang romantic drama series ay ang latest collaboration between GMA Network and leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service Viu. The series is under the direction of Mark Sicat dela Cruz, together with Associate Director Carlo Cannu.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • DTI pinayuhan ang mga mamimili na maging mautak sa pagbili ng mga Noche Buena

    PINAYUHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamamayan sa pagbili ng kanilang ihahandang Noche Buena.     Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo na dapat mamili ang mga ito ng simple, mura at mabigat na ihahanda.     Dagdag pa nito na may mga ibang food itmes na hindi tumutugma sa bigat […]

  • Heartwarming Tearjerker Date Movie “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes”

    WISHES granted come with a price in the award-winning and highly-acclaimed YA romantic drama anime film The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes.     The film’s main characters Kaoru and Anzu are voiced by Ouji Suzuka and Marie Iitoyo respectively. Supporting characters are voiced by Tasuku Hatanaka as Shouhei Kaga, Arisa Komiya as […]

  • Muling pagbangon ng salt industry, isinulong

    KASUNOD na rin ng panawagang suporta para sa industriya ng asin sa bansa, isinulong ng isang mambabatas ang panukalang muling magpapabangon dito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang ahensiya na siyang magbubuo ng mga hakbang para sa modernisasyon at proteksyon ng naturang industriya.     Nakapaloob ito sa House Bill No. 5676 o Philippine Salt […]