“Person of interest’ sa pagpatay kay Percy Lapid slay, nakita sa CCTV footage — Abalos
- Published on October 10, 2022
- by @peoplesbalita
UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. sa publiko na magbigay ng impormasyon nang pagkakakilanlan ng ‘person of interest’ sa pagpaslang sa broadcaster na si Percival Mabasa, o mas kilala bilang Percy Lapid.
Nahagip kasi ng closed-circuit television (CCTV) footage ang imahe ng nasabing mga suspek.
Sa kasalukuyang pabuya na P1.5 million cash reward, nakiusap si Abalos sa publiko na kagyat na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) kung mayroon silang nalalaman sa pagkakakilanlan at kung saan matatagpuan ang ‘killers’ ni Lapid.
Nauna rito, nag-presenta naman si Abalos ng blown-up photo ng naturang ‘person of interest’ sa Percy Lapid slay na makikita sa CCTV footage nang magsagawa ng public appeal ang Kalihim.
“Napakaimportante nito. Importanteng maidentify natin ang taong ito. Ito po siya, pinalaki natin ito. Kitang kita ang larawn niya, ang itsura niya at alam naman ninyo na tayo ay nagbigay ng reward P500,000, galing sa akin at P1 million galing kay Alex Lopez (anak ni dating Manila mayor Mel Lopez) at marami pang gustong tumulong,’’ ani Abalos.
Sinabihan naman ni Abalos ang ‘person of interest’ sa CCTV footage na sumuko na sa mga awtoridad o ilagay sa panganib ang kanyang kaligtasan dahil may opsyon ang mastermind na kumuha sa kanya para patahimikin siya lalo pa’t lantad na sa publiko ang kanyang imahe.
“Ang pinakamagandang gawin mo, sumuko ka at pabayaan mo magtake over na ang kapulisan dito at dahil dito inuulit ko, any information on this napakaimportante sa ngayon,” wika ng Kalihim.
Samantala, sinabi pa ni Abalos na wala ng mapupuntahan ang ‘person of interest’ dahil sa modern technology samahan pa ng pagsisikap ng mga police officers na matugis siya hindi lamang dito sa Kalakhang Maynila kundi maging sa kalapit na rehiyon.
“What I am talking about right now, it’s all regions in the Philippines. Kung saan man magtago ang taong ito nakakalat ito in social media. With the technology, lahat, every record. Hindi pa ‘yun, may NBI (National Bureau of Investigation) ka pa. Even, NBI itself is already investigating,” aniya pa rin.
Bukod sa puwersa ng kapulisan at modern technology, malaki rin aniya ang magagawa at tulong ng suporta mula sa publiko. (Daris Jose)
-
Pinas, makawawala sa ₱13T nat’l debt sa pamamagitan ng eco growth
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang “guiding principle” para sa plano ng kanyang administrasyon para makawala mula sa ₱13-trillion national debt ay ang economic growth. “We will pull ourselves out of debt via growth. That really is the guiding principle to the economic plan,” ayon sa Pangulo nang tanungin ukol sa kanyang plano […]
-
Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Committee on Dangerous Drugs sa insidente na kinasangkutan ni Mayo
SUPORTADO ng isang mambabatas ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., na may malawakang pagtatangka para pagtakpan umano sa pagkakaaresto kay dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga. Ayon kay Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang […]
-
DIEGO, aminadong na-intimidate nang malamang makakatrabaho si CRISTINE kaya takot na takot magkamali
AMINADO si Diego Loyzaga na he was intimidated upon learning na he will be working with Cristine Reyes sa Philippine adaptation ng K-drama na Encounter. “Sobrang intimidated ako kay Cristine until nagkasama kami sa pictorial for the movie where I sensed na mukhang okay naman siya. Parang magkakasundo naman kami,” pahayag ng anak […]