Petisyon laban sa kandidatura ni Presumptive President Marcos, naihain na sa SC
- Published on May 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAKARATING na sa Supreme Court (SC) ang petisyon para ipakansela ang certificate of candidacy (CoC) ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Humirit din ang mga petitioners sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ang kataas-taasang hukuman ng temporary restraining order (TRO) para harangin ang pagbibilang ng mga boto at ang proklamasyon kapag ito ay ideklarang manalo.
Kasama na rito ang nais ng grupo na ipaharang ang canvassing ng mga boto ng Senado at House of Representatives.
Kabilang sa mga petitioners ay sina Father Christian Buenafe, Fides Lim, Ma. Edeliza Hernandez, Celia Lagman Sevilla, Roland Vibal at Josephine Lascano. (Daris Jose)
-
Ban sa nursing programs, maaaring ‘selectively lifted’- CHED
TARGET ng Commission on Higher Education (CHED) na ikasa ang “strategic and selective lifting” ng moratorium para sa bagong nursing programs. Sinabi ni CHED Chairperson Prospero “Popoy” De Vera III na gumagawa na ng bagong poliisya ang Technical Panel on Nursing ng CHED na ipalalabas sa lalong madaling panahon. “CHED is […]
-
Hinihintay ng netizens at fans ang first photo at name… DENNIS at JENNYLYN, wala pang binibigay na details tungkol kay ‘BABY D’
WALA pa ring ibinibigay ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kung ano ang ibig sabihin ng “Baby D” na tawag nila sa bagong silang na baby girl, kaya naghihintay pa rin ang mga fans nila. Maikli lamang kasi ang ibinigay na statement ni Dennis sa Chicka Minute ng “24 Oras: “Everything went […]
-
China, umaasa na papalag ang Pinas kapag inaabuso na, kinakaladkad sa isyu ng ‘trouble waters’
UMAASA ang China na papalag at tututol na ang Pilipinas kapag inaabuso na o may nagsasamantala at kinakaladkad sa isyu ng “trouble waters.” Ang pahayag na ito ng Chinese embassy sa Maynila ay matapos na sabihin ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa Camp Aguinaldo na muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos […]