PETISYON PARA PALAWIGIN ANG VOTERS REGISTRATION, IHAHAIN
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
MAGHAHAIN ng petisyon ang iba’t ibang grupo ngayong umaga sa tanggapan ng Commission on Elections(Comelec) upang hilingin na palawigin ang voter registration para sa May 2022 national at local election.
Ilan lamang sa mga grupo na nagpahayag ng kanilang paghahain ng petisyon ay ang Defend Jobs Philippines, Akbayan Youth, First Time Voters Network at iba pa.
Sa abiso ng Defend Jobs, hiling nila ang isang buwan na palugit para sa pagpapatala ng mga botante habang hanggang Enero ng susunod na taon ang hirit ng Akbayan Youth at iba pang grupo.
Ang petisyon ng nasabing mga grupo ay dahil na rin sa pangamba na maraming botante lalo ang mga ew registrants ang hindi makakaboto dahil sa umiiral pa rin na MECQ sa Metro Manila at ilan lugar kung saan suspendido pa ang voter registration.
Magsasagawa rin ng signature campaign ang grupo ng mga manggagawa para kumuha ng suporta sa kanilang petisyon . (GENE ADSUARA)
-
AGA, ‘di inakala na muling makababalik sa Kapatid network
BALIK-TV5 si Aga Muhlach sa bagong programa ng Viva TV na Masked Singer Pilipinas na magsisimulang mag-air on October 24 at 7 p.m. sa primetime slot ng TV-5. Si Aga ang isa sa hurado ng Masked Singer Pilipinas at hindi raw niya akalain na muli siyang makababalik sa Kapatid network. Nakatago sa mask […]
-
COVID-19 pandemic tatagal pa hanggang taong 2022 – WHO
Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na maaaring tatagal pa hanggang taong 2022 ang COVID-19 pandemic. Ito ay sa kadahilanang ang mga mahihirap na bansa ay hindi pa raw nakakakuha ng tamang bakuna na kanilang kailangan. Sinabi ni Dr Bruce Aylward, senior leader ng WHO, mas mababa sa 5 percent na […]
-
Inaayos na Kalibo International Airport papalakasin ang turismo, trabaho
Palalakasin ang turismo at magibibigay ng maraming trabaho ang mas pinagandang Kalibo International Airport (KIA) na magtutulak upang dumami pa ang economic activities sa Aklan. “While comfort, improved mobility, and connectivity are expected as a results of various development projects in Aklan, more employment and tourism opportunities will likewise flourish to boost activities […]