• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Petisyon sa surge charge ng PUV may hearing sa susunod na taon

MAGKAKAROON pa ng hearing sa susunod na taon ang petisyon ng mga grupo ng transportasyon para sa surge charge kapag rush hours ng mga public utility vehicles (PUVs) kasama ang jeepneys at buses.

 

Nagkaroon ng unang pagdinig sa petisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan dinaluhan ng mga petitioners at kanilang hinihiling na bigyan sila ng 30 days upang maghain ng memorandum.

 

Ang susunod na pagdinig ay tinakda sa February 2, 2023. Ayon sa petitioners kanilang ginagalang ang naging desiyon ng LTFRB board kahit na kailangan na nila ang madaling solusyon upang mabigyan ng relief ang mga drivers at operators mula sa tumataas na presyo ng krudo.

 

“We have to follow the board’s availability, although we don’t know what will happened in the transport sector in the next three months,” wikani Pasang Masda president Obet Martin.

 

Ayon naman kay national president ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) Liberty de Luna na pansamantala muna silang naghihigpit ng pantalon upang bigyan ng solusyon ang tumataas na presyo ng krudo at gasolina.

 

Humihingi ang ACTO ng surge fee na P1 para sa jeepneys ng traditional at modern habang P2 naman sa mga buses kapag rush hours mula 5:00 hanggang 8:00 ng umaga at 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi, maliban lamang kung Linggo at holidays.

 

Sinabi nila na ang surge price ay idadagdag sa minimum fare na makakatulong upang tumaas ang daily income ng drivers.

 

“The current revenues of fixed routes of public utility vehicles are not enough to offset the higher fuel and operating costs incurred during peak hours, where there are fewer round trips – surcharge is the remedy that can give help to PUV operators and drivers,” saad sa petisyon.

 

Dagdag pa nilana ang surge ay makakatulong sa mga drivers at operators upang makaya nila ang mga biglaan pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina.

 

Ang nasabing petisyon ay katulad din ng surge pricing sa transport network service vehicles subalit mas mura pa sa SMS/text message at candy na tinitinda sa lansangan kung kaya’t ito ay mas affordable ng mga pasahero.

 

Samantala, ayon sa LTFRB, magdagdag sila ng karagdagan na 100 buses sa EDSA carousel upang makapagbigay ng serbisyo ng 24/7oras ngayong darating na kapaskuhan.

 

“In terms of volume projection, we believe this is optimal, meaning this will cater to the graveyard shift, especially those who are working in the malls that also extended its operating hours,” wika ni LTFRB officer-in-charge Riza Marie Paches.

 

Noong nakaraang Lunes ay naglabas at nagpatupad ang LTFRB ng Board Resolution No. 174 para sa 24/7-hour na libreng sakay sa EDSA carousel service. Magsisimula ang 24/7 mula Dec. 1 hanggang 31. Sa ngayon, ang libreng sakay ay mula 4:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi lamang.

 

Ang programa sa libreng sakay ay matatapos sa katapusan ng taon dahil hindi nabigyan ng pondo ang service contracting sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program ng pamahalaan.  Humingi ang Department of Transportation (DOTr) ng pondo para sa programa ng libreng sakay upang maipagpatuloy ang nasabing progama sa darating na taon.  LASACMAR

Other News
  • Brgy Poblacion, Pulilan, iniuwi ang dalawang pangunahing parangal sa Ika-20 Gawad Galing Barangay

    LUNGSOD NG MALOLOS– Wagi ang “Poblacion, Pagbangon, at Paghilom” ng Barangay Poblacion, Pulilan bilang isa sa limang parangal na Natatanging Gawaing Pambarangay, habang nanaig ang kanilang Kapitan Ryan P. Espiritu bilang Natatanging Punong Barangay sa ginanap na Ika-20 Gawad Galing Barangay sa Gitna ng Pandemya Awarding Ceremonies na ginanap online ngayong araw.       Kinilala rin […]

  • TRB: RFID 3-strike policy tuloy na sa May 15

    Sisimulan nang ipatupad ng Toll Regulatory Board ang 3-strike policy kung saan pagmumultahin ang mga motorista na gumamit ng tollways’ cashless lanes kahit na kulang ang load.     Ayon sa mahigpit na regulasyon ng TRB, ang mga lalabag sa policy ay bibigyan ng warning sa una at ikalawang offenses. Sa ikaltlong offense naman ay […]

  • Mahigit 300 posibleng ‘areas of concern’ sa halalan inirekomenda ng PNP – DILG

    NASA mahigit 300 posibleng areas of concern sa nalalapit na halalan ang isinumite ng Philippine National Police (PNP).     Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III ang election hotspots ay tinatawag na aniya ngayong areas of concern.     Aniya, ang pagdedeklara ng areas of concern ng Commission on Elections ay naantala dahil patuloy […]