• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pfizer at BioNTech pumayag na babakunahan ang mga atleta na sasabak sa Tokyo Olympics

Nagsama ang Pfizer at German company na BioNTech SE na magdonate ng ilang doses ng kanilang COVID-19 vaccine para maturukan ang mg atleta kasama ang kanilang delegasyon na dadalo sa Tokyo Olympic at Paralympic Games.

 

 

Ayon sa kumpanya na darating sa mga delegasyon ang unang dose ng bakuna hanggang sa katapusan ng Mayo.

 

 

Tiniyak nila na matuturukan ang mga ito ng ikalawang dose ng bakuna ilang araw bago ang pagsisimula ng torneo.

 

 

Ang nasabing hakbang ay matapos na aprubahan ng International Olympic Committe (IOC) ang pagpapabakuna ng mga manlalaro at delegates.

 

 

Nakausap na rin ng IOC ang mga opisyal ng Japan at si Pfizer Chief Executive Officer Albert Bourla sa nasabing pagbibigay ng donasyon na mga bakuna.

 

 

Magugunitang nilimitahan ng Olympic organizers ang mga manonood ng laro dahil sa patuloy pa rin ang pagkakahawaan ng mga bagong variant ng COVID-19.

Other News
  • Mga makabagong bayani, pinarangalan ni PBBM

    PINARALANGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng makabagong panahon dahil sa malasakit at kabutihang loob ng mga ito na naging mas mabuti ang kalagayan ng  bansa ngayon.     Sa pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day event sa Libingan  ng mga Bayani, araw ng Lunes, Agosto 29,  bahagi ng talumpati  […]

  • Warehouse ng toothpaste, sabon sa Malabon nasunog

    TINATAYANG humigi’t-kumulang P2 milyon halaga ang naging pinsala sa ari-arian matapos sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng toothpaste at sabon sa Malabon City, Martes ng madaling araw.     Ayon sa Malabon Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:56 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa warehouse ng Prime One Packing Design Corporation […]

  • SC Chief Justice Peralta, kinumpirma ang early retirement sa 2021

    Nagpadala nang sulat si Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta sa kanyang mga kasamahang mahistrado para iparating ang kanyang early retirement o mas maagang pagreretiro.   Batay sa mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyp Philippines, nakasaad daw sa sulat na maghahain ito ng early retirement sa Marso 27, 2021 o sa kanyang ika-69 na kaarawan. […]