• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PGH director nagbabala dahil posible ang ‘surge’ ng Covid-19 sa Enero

Umapela ang direktor ng Philippine General Hospital (UP-PGH) sa mga kapwa pagamutan na ngayon pa lang ay paghandaan na ang inaasahang pagdating ng mga pasyente pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.

 

“Hindi dapat magpabaya at maging overconfident,” ani Dr. Gerardo Legaspi sa isang media forum.

 

Pahayag ito ng opisyal kasunod ng anunsyo ng Department of Health (DOH) at mga eksperto na may tsansang “surge” pagbulusok sa mga kaso ng COVID-19 sa Enero kung hindi maipapatupad ng maayos ang health protocols ngayong holiday season.

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nasa 36% pa naman ang antas ng occupancy rate ng COVID-19 beds sa buong bansa. Katumbas daw nito ang kategoryang “low risk.”

 

Maging si National Capital Region, na itinuturing na epicenter, ay nasa mababang level pa rin daw ng occupancy ang mga pasilidad para sa coronavirus patients.

 

“But we are trying to prepare the system, because if and when this surge will happen, we need all hospitals be compliant to the mandate.”

 

Magugunitang naglabas ng kautusan ang DOH sa mga ospital na taasan ang porsyento ng alokasyong kama para sa mga pasyenteng may COVID-19.

 

Para sa private hospitals, dapat may 20% bed allocation sa infected patients; habang 30% ang mandato sa public hospitals.

 

Sa ngayon, tinatayang nasa higit 100 pa ang COVID-19 patients na naka-admit sa UP-PGH. Kumonti rin daw ang mga kritikal at severe na pasyente na nasa intensive care unit (ICU).

 

“Nung July and August, umaabot ng 220 to 230 a day ang naka-admit na COVID (patients): mga bata, buntis, adults,” ani Legaspi.

 

“Ang malaking kakaiba noon ay ang dami ng bilang ng nasa ICU. Halos 30% ng pasyente noon ay severe at critical. Maybe even 40% at a certain point.”

 

Mula sa 1,500 total beds ng naturang ospital, 200 ang nakalaan para sa COVID-19 patients. May nasa 100 kama rin daw ang nakahanda para sa inaasahang “surge” ng mga pasyente.

 

NON-COVID PATIENTS, POST-HOLIDAY WORKFORCE

 

Aminado si Dr. Legaspi na kumpara noong mga nakalipas na buwan, ay mas marami nang non-COVID patients ang naka-admit sa mga ospital.

 

Kaya umapela rin siya sa mga opisyal ng ibang pagamutan at One Hospital Command na paigtingin ang koordinasyon para masigurong pantay ang alokasyon ng mga pasilidad para sa mga pasyente ng coronavirus.

 

“Siguro mararamdaman ng maraming ospital na bumibigat ang load ng pasyente sa non-COVID at maaaring maka-limita sa kapasidad ng ospital na makapagbigay ng serbisyo (sa COVID-19 patients).”

 

“Sa pamumuno ni Usec. Bong Vega, ay maaari nating hingan ng tulong upang ma-coordinate ng maaga ang paglilipat ng COVID at non-COVID patients.”

 

Ayon sa DOH, karaniwan na ang hamon sa health system tuwing bagong taon. Inaasahan lang daw na mas mabigat ang sitwasyon ngayon dahil sa pandemya.

 

“It is in January that training hospitals are in the transition phase where the senior residents are replaced by new ones. Also the staff can be on an end-of-contract break, or the non-renewal of JOs (job orders),” ani Vergeire.

 

“There are usually more consults and admissions for non-communicable diseases during this time like hypertension and diabetes.”

 

Ayon kay Dr. Legaspi, nasa kamay ng publiko ang pag-iingat para hindi tuluyang sumirit ang COVID-19 cases ng bansa pagpasok ng Enero.

 

Kaya dapat maging displinado ang bawat isa habang nagdiriwang ng holiday.

 

“Ang laban ng COVID ay wala sa ospital. Ang karamihan ng tagumpay ay nasa komunidad.” ( Gene Adsuara)

Other News
  • 1.4-million doses ng Sinovac vaccines, darating sa PH ngayong Marso: Galvez

    Inamin ni Vaccine czar Carlito Galvez na madadagdagan pa ng 1.4-million doses ang supply ng Pilipinas sa coronavirus vaccines na gawa ng Chinese pharmaceutical company na Sinovac.     “Mayroon nang parating, na-procure na 1-million (doses) na darating sa March 21; and with the generosity of the Chinese government, another 400,000 (doses) will be given […]

  • 12 HIGH-END AMBULANCE, HANDA NG IPAMIGAY SA MAYNILA

    HANDA ng ipamigay ang labindalawang “high-end” Ambulance na binili pa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Estados Unidos.   Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa labindalawang ambulansiya kasabay ng pagbabasbas nito sa pamumuno ni Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel.   Ayon kay […]

  • LTFRB pinaigting ang panghuhuli ng mga aroganteng taxi drivers

    MAS PINAIGTING pa ang panghuhuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga aroganteng taxi drivers sa mga terminals at malls na ayaw magsakay ng mga pasahero ngayon kapaskuhan.       May mahigit na 200 na mga aroganteng drivers ang nahuli kamakailan lamang dahil sa patuloy nilang masigasig na panghuhuli. May 214 […]