• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PGH, handa nang tumanggap ng kahit na anong brand ng Covid- 19 vaccine

HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit na anumang brand ng coronavirus vaccine.

 

“Kung anuman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtatanggap nito ay ang EUA (Emergency Use Authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi.

 

“We all know that if the FDA gives any vaccine the EUA, the safety and efficacy are assured,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi.

 

Ang Sinovac vaccines na dinonate ng Chinese government ay inaasahan na darating sa araw ng Linggo, Pebrero 28.

 

Sinabi ni Dr. Legaspi na inihanda na ng PGH ang infrastructure at logistical requirements para sa bakuna.

 

“I think the important thing to remember here is whatever vaccine comes, we should welcome it because it will definitely make a difference in helping control the spread of this infection,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, sinabi ni Dr. Legaspi na ang  94% ng PGH personnel ay nagpahayag na ng kahandaan na mabakunahan.

 

“Bago pa man po malaman ng mga tao ng PGH noong early January kung anong bakuna ang darating, ang aming initial survey… 75% are willing to have the vaccine, so I hope we still get that 75% of our population and it will still be a good number,” aniya pa rin.

 

Pinawi naman ni Dr.Legaspi ang pangamba ng publiko na ang Sinovac vaccine ay magbibigay lamang ng maliit hanggang sa walang proteksyon para sa mga health workers.

 

Giit nito, ang mga bakunang inaprubahan ng FDA ay ang Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac— na aniya’t nag-aalok ng 100% protection laban sa COVID-19.

 

“Hindi naman porket nabakunahan ng Sinovac ay walang proteksyon. Ang ibig lang sabihin, ang proteksyon niya ay hindi as high to prevent mild symptoms from occurring, which probably magiging dahilan to para hindi makapasok ang HCWs sa ospital,” ang pahayag ni Dr. Legaspi.

 

“Siguro ‘yun ang basis ng FDA para sabihin na hindi siya ideal para sa healthcare workers dahil kahit mild symptom, hindi sila papasok pag nagkaroon sila ng mild symptom at mababawasan ang manpower sa ating ospital,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi.

 

Samantala, hindi naman inirerekumenda ng FDA ang Sinovac para sa mga health workers bunsod ng mababang efficacy rate na 50.4% para sa nasabing grupo subalit maaari pa rin naman aniyang magpabakuna ng mga ito kung kanilang gugustuhin.

Other News
  • Mahigit 10-M Ukrainians nakaalis na sa kanilang bansa simula nang lusubin ng Russia ang Ukraine

    NASA mahigit 10 milyon na mga Ukrainians na ang iniwan ang kani-kanilang mga tahanan para umalis sa bansa simula nang lusubin ito ng Russia.     Ayon kay UN Humanitarian Affairs Deputy Emergency Coordinator Joyce Msuya, mahigit sa kalahati ng populasyong ito ay pawang mga kabataan.     Aabot sa 6.5 milyon sa mga ito […]

  • Piniling reward na magtayo ng business: YSABEL, ‘di natuloy sa law school dahil sa ‘Voltes V: Legacy’

    FOUR years ang preparasyon at apat na buwan na umere ang ‘Voltes V: Legacy’ na consistent top-rating show ng GMA.     At dahil hindi biro ang kanilang pinagdaanan para mapaganda ang show, may reward o gantimpala ang Voltes team sa kani-kanilang sarili.     Ang nag-iisang babae na miyembro ng grupo na nagpipiloto sa […]

  • PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA

    KINUMPIRMA  ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod.     Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac […]