• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH 3×3 may award sa PSA

May espesyal na parangal ang Philippine men’s 3×3 team na may ticket sa Olympics Qualifying Tournament sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Mangunguna sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon, 2019 Chooks-To-Go Fan Favorite awardee, sa koponan para sa okasyon na mga hatid ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia at Rain or Shine.

 

Buhat sa 59th sa simula ng 2019, sumampa ang Pinoy 3×3 sa top 20 para makakuha ng silya sa OQT sa Marso 18-22 sa Bengaluru, India.

 

Kabilan g sa Pool C ang Pinoy ballers kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic sa 20-team qualifier na hinati naman sa four-group competition.

 

Isa lang ang PH 3×3 men’s team sa halos 200 atleta, personalidad at gurpo na nasa PSA honor roll list.

 

Una sa mga paparangalan ang 30th Southeast Asian Games overall champion Team Philippines, na tinanghal na Athlete of the Year.

 

Pararangalan din sa two-hour program sina world gymnastics champion Carlos Edriel Yulo (President’s award), PH team SEA Games Chef De Mission at PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez (Executive of the Year) at ang alamat na si Efren ‘Bata’ Reyes (Lifetime Achievement Award), at siya ring special guest of honor at speaker ng event. (REC)

Other News
  • US mas maraming isasabak na babaeng atleta sa Tokyo Olympics

    Mas marami pa ring mga atletang babae ang isasabak ng US sa Tokyo Olympics.     Sa kabuuang 613 na atleta ay mayroong 329 na babae dito.     Ang nasabing bilang na 613 ang siyang pangalawang pinakamalaki sa kasaysayan ng US Olympics na sumunod noong taong 1996 na mayroong 648 na atleta silang ipinadala. […]

  • Kumalat ang photos na kuha sa Amanpulo: BEA, nilinaw na hindi pa sila engaged ng DOMINIC

    NILINAW ni Bea Alonzo na hindi pa sila engaged ng nobyong si Dominic Roque.     Dahil sa mga kumalat na litrato nila ni Dominic na tila marriage proposal ay may nag-akalang malapit na silang ikasal ni Dominic.     “Picture iyon noong nagpunta kami sa Amanpulo, na akala ng mga tao na-engage kami. Hindi, hindi pa […]

  • PH nakapagtala pa ng 30 bagong kaso ng UK variant, 2 ‘mutations’: DOH

    Inamin ng Department of Health (DOH) na nadagdagan pa ang bilang ng mga tinamaan ng sinasabing mas nakakahawang B.1.1.7 (UK variant) ng SARS-CoV-2 virus sa Pilipinas.     Batay sa press release ng ahensya, 30 ang nadagdag sa listahan ng UK variant cases matapos ang ika-walong batch ng whole genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center. […]