• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH COVID-19 cases higit 611K -DOH

Matapos ang anim na buwan, nakapagtala muli ang Pilipinas ng higit 4,000 kaso ng COVID-19.

 

 

Nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 4,578 na bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado, Marso 13. Ito na ang pinakamataas mula noong September 14, 2020, kung saan nakapagtala ang bansa ng 4,699 new cases.

 

 

Dahil dito sumirit pa sa 611,618 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

 

 

“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 11, 2021.”

 

 

Balik higit 50,000 naman ang active cases o bilang ng mga nagpapagaling, na nasa 52,012, na pinakamataas din mula noong Setyembre.

 

 

Nadagdagan naman ng 272 ang total recoveries na ngayon ay 546,912 na.

 

 

Samantalang 87 ang bagong nai-ulat na namatay, para sa 12,694 na total deaths.

 

 

“8 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 are recoveries and 1 is a death.”

 

 

“Moreover, 26 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.” (Gene Adsuara)

Other News
  • MMDA , makikipag-ugnayan sa DepEd sa pagpapatuloy ng limited in-person classes sa NCR sa ilalim ng Alert Level 2

    SINABI ni Metro Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos na makikipag-ugnayan siya sa Department of Education para sa pagpapatuloy ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa Alert Level 2 sa gitna ng COVID-19 pandemic.     “Makikipag-usap kami agad sa DepEd kasi importante ang edukasyon. Napakaganda na ng ating pilot […]

  • Bongbong admin ‘posibleng’ makipagtulungan kay Robredo

    KUNG si Sen. Imee Marcos ang tatanungin, pwedeng makipagtulungan ang kapatid niyang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa karibal at nakalabang si Bise Presidente Leni Robredo — aniya, “walang imposible.”     Kilalang kritiko ng Martial Law at dikdatura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — ama nina Bongbong at Imee — si Robredo, […]

  • SRA officials sa pag-angkat ng asukal, pinagbibitiw lahat

    PINAGBIBITIW  ni Se­nate President Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng Sugar Regulatory ­Administration (SRA) na sangkot sa pagpirma sa illigal na importation order para sa may 300,000 me­trikong tolenada ng asukal.     Ayon kay Zubiri, kung mayroong delicadeza ang mga taga SRA ay dapat mag-resign na sila lalo at laman sila ng lahat […]