• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH crime rate mula quarantine, bumagsak sa 51%

Bumagsak sa 51% ang crime rate sa Pilipinas buhat nang umiral ang community quarantine measure sa bansa, batay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

 

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 10,145 krimen lamang ang naitala mula March 17 hanggang July 20 kumpara sa 20,575 krimeng naiulat noong Nov. 17, 2019 hanggang March 16, 2020.

 

“Rule of law (is) strengthened, pinalakas natin ang pananaig sa batas ng ating bansa. Napanatili ng ating kapulisan ang kapayapaan at kaligtasan ng ating mga pamayanan. Bumaba ang bilang ng krimen, napabilis ang pagresolba sa mga ito at napaigting ang kampanya laban sa iligal na droga,” paliwanag ni Lorenzana.

 

Nakatuon ang mga krimen sa murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, car theft, at motorcycle theft.

 

Samantala, nauna na ngang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi dapat makampante ang PNP sa pagbaba ng krimen. (Gene Adsuara)

Other News
  • ALAMIN: Mga bagong guidelines sa COVID-19 vaccination

    Higit isang buwan mula nang mag-umpisa ang Pilipinas sa rollout ng mga bakuna laban sa COVID-19, naglabas ang Department of Health (DOH) ng karagdagang panuntunan bilang gabay sa mga pagbabakuna.     Sa ilalim ng Department Memorandum No. 2021-0175 na may petsang April 8, 2021 nakasaad ang ilang karagdagang guidelines para sa publiko at vaccination sites.   […]

  • 99,600 doses ng Moderna vaccine ibibigay sa Overseas Filipino workers at seafarers- Galvez

    MAY kabuuang 99,600 doses ng Moderna vaccine ang dumating sa bansa kahapon, Hunyo 29.   Ang mga bakunang ito ay ibibiigay naman sa Overseas Filipino Workers at Seafarers.   “Ibibigay namin ‘to sa mga OFWs at seafarers na pinangakuan natin at sa ating mga frontliners na kailangang kailangan po, ‘yong different government employees po natin,” […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 53) Story by Geraldine Monzon

    “BAWIIN mo ang resignation mo Bernard at sasabihin ko sa’yo kung sino ang mastermind sa nangyari sa anak mo.”   Nakalabas na ng elevator si Bernard ngunit natigilan siya sa sinabi ni Regine na nanatili sa loob. Kunot ang noong mabilis siyang bumalik sa elevator bago ito muling nagsara at sinakal si Regine.   “Anong […]