PH Cup kaya ng 60 araw – Marcial
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
DADAMIHAN ng mga laro kada linggo para mas mabilis matapos ang ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup.
Isang opsiyon pa ng unang Asia’s pay-for-pay hoop ang magkaroon ng apat hanggang limang araw na laro bawat linggo, isa’y may triple-header pa. Kaya maski masagad ang playoffs, hindi abot ng Enero 2021 ang all-Pilipino conference.
“Kasama sa mga kino-consider namin ‘yun para mapadali,” siwalat nitong Biyernes ni pro league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial. “That way, p’wedeng mag-umpisa ng games as early as Oct. 9, at matapos ng Dec. 10 or 15.”
Mas mabuti ring alternatibo kung maagang makapag-umpisa para mapaglaanan din ng oras kung may delay. Sumulat na sa nakalipas na linggo’y si Marcial, hiniling sa Inter-Agency Task Force ( IATF) na payagan na ang teams na magsagawa ng full scrimmages. Kung may green light na, makakapag-umpisa na ang torneo na tinigil noong March 11 dahil sa coronavirus disease 2019.
“Depende lahat ‘yan sa sagot ng IATF,” wakas na dada ni Marcial. “Kung papayagan tayo na mag-full scrimmages, dalawa hanggang tatlong linggo lang ‘yun and we could play games, hopefully, ng Oct. 9 ang pinakamaaga.” (REC)
-
Alert Level 3 para sa NCR may ‘good chance’, – Sec. Roque
HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng Covid -19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3, stage ang bagong coronavirus (COVID-19) response system na ikinasa sa rehiyon. Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon. […]
-
Yorme Isko ‘di aatras sa presidential race
TAHASANG itinanggi ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno na isa siya sa dalawang presidentiable na aatras sa kandidatura kasabay ng paggiit na marami na ang mga botante na lumilipat sa kaniya. “’Di ako susuko, ‘di natin susukuan ang taumbayan, ‘di natin susukuan ang sitwasyon,” saad ni Moreno makaraan ang pakikipagpulong kay La […]
-
CHRISTIAN, aware na maraming dating Kapuso na hindi na ni-renew ang kontrata kaya very grateful sa GMA
MULING pumirma ng network contract si Christian Bautista sa GMA-7 noong June 24. Siyempre, masaya si Christian na tuloy-tuloy pa rin ang tiwala at suporta sa kanya ng network. Aware si Christian na unlike him, marami rin dating Kapuso na hindi na ni-renew ng Kapuso network. Pero sabi nga ni Christian, kaibigan […]