• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH Cup kaya ng 60 araw – Marcial

DADAMIHAN ng mga laro kada linggo para mas mabilis matapos ang ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup.

 

Isang opsiyon pa ng unang Asia’s pay-for-pay hoop ang magkaroon ng apat hanggang limang araw na laro bawat linggo, isa’y may triple-header pa. Kaya maski masagad ang playoffs, hindi abot ng Enero 2021 ang all-Pilipino conference.

 

“Kasama sa mga kino-consider namin ‘yun para mapadali,” siwalat nitong Biyernes ni pro league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial. “That way, p’wedeng mag-umpisa ng games as early as Oct. 9, at matapos ng Dec. 10 or 15.”

 

Mas mabuti ring alternatibo kung maagang makapag-umpisa para mapaglaanan din ng oras kung may delay.  Sumulat na sa nakalipas na linggo’y si Marcial, hiniling sa Inter-Agency Task Force ( IATF) na payagan na ang teams na magsagawa ng full scrimmages. Kung may green light na, makakapag-umpisa na ang torneo na tinigil noong March 11 dahil sa coronavirus disease 2019.

 

“Depende lahat ‘yan sa sagot ng IATF,” wakas na dada ni Marcial. “Kung papayagan tayo na mag-full scrimmages, dalawa hanggang tatlong linggo lang ‘yun and we could play games, hopefully, ng Oct. 9 ang pinakamaaga.” (REC)

Other News
  • Sa part two ng BL series na ‘Hello Stranger’: Team-up nina TONY at JC, gustong gawing mala-Popoy at Basha

    MAY plano raw ang Black Sheep Productions na igawa ng part two ng BL Series na Hello Stranger na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara.     Pero ang gusto raw ng Black Sheep na ang maging peg ng return team-up nina Tony at JC ay mala-Popoy at Basha nina John Lloyd Cruz at […]

  • Ads August 25, 2022

  • NAVOTAS NAKAPAGTALA NG PINAKAMABABANG ACTIVE COVID CASES NGAYONG TAON

    NAKAPAGTALA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pinakamababang active COVID-19 cases ngayong taon.     Tatlo na lamang ang natitirang COVID patients ng Navotas kasunod ng limang araw na magkakasunod na zero daily case reports.     Nagpasalamat naman si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco at Congressman Mayor-elect John Rey Tiangco sa mga Navoteños para sa […]