• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH, Malaysian foreign ministries, pag-uusapan ang Sabah-PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-uusapan ng foreign ministries ng Pilipinas at  Malaysia ang isyu ng  Sabah kasunod ng naging pagbisita sa bansa ni Prime Minister Anwar Ibrahim. 
Tiniyak ng Pangulo na masinsinan ang magiging pag-uusap sa nasabing isyu.
“Napag-usapan din namin yung isyu ng Sabah, alam niyo naman mayroon tayong claim diyan at sa ngayon, sila ang administrator sa Sabah. Kaya sabi namin kailangan namin mapag-usapan nang masinsinan yan,” ani Pangulong Marcos.
“‘Yung foreign affairs secretary namin ay mag-uusap tungkol diyan kung ano pa ang pwede nating [gawin],” dagdag na pahayag nito.
Sa kabila nito,  mananatili namang mainit ang ugnayan ng   Maynila at Kuala Lumpur.
Tinukoy ang pagkakatulad  ng dalawang bansa.
“Sabi namin kailangan magka-partner tayo dahil pareho ang sitwasyon natin. Umaahon tayo dahan-dahan sa pandemya at hinaharap natin ay kapareho din ng mga hamon lalo na sa importation, sa inflation,” ani Pangulong Marcos.
Para naman kay Anwar,  dapat ay pansamantalang mamahinga muna ang naturang isyu.
“There should not be an issue that easily provoke or cause antagonism because there are too many things in common,” ang wika ni Anwar.
Inilarawan naman ni Anwar ang naging approach ni Pangulong Marcos sa isyu bilang “cordial.” sabay sabing hindi kailanman nasangkot ang mga Filipino officials sa sapilitang pag-angkin sa  Sabah.
Itinanggi naman ng Malaysia na ang PIlipinas ay mayroong pag-aari sa  Sabah.
Matatandaang Marso 2013,  sinabi ni Marcos Jr. na isang senador pa lamang noon na ang  Sabah ay pag-aari ng Pilipinas.
“We, as a republic, have a claim over Sabah since the 1960’s, we have historical claim over Sabah and that’s a fact,” anya pa rin.  (Daris Jose)
Other News
  • Kai Sotto posts double-double in Adelaide’s first preseason game for NBL23

    FILIPINO young star Kai Sotto flexed his offseason improvement in his return to the Adelaide 36ers in NBL Australia.     The 7’3″ Sotto delivered 11 points and 11 rebounds in limited playing time in Adelaide’s 98-87 loss against Perth Wildcats.     Despite not getting the win, Sotto impressed everyone including his three slam […]

  • Tinawag na ‘patron ng mga tanga sa pag-ibig’: ANGELICA, nagpasalamat sa netizen at sinabing titila rin ang ulan ng kamalasan

    SUMAGOT at nagpasalamat si Angelica Panganiban sa tweet ng isang netizen na kung tinawag siyang ‘santa’.   Ayon sa tweet ni @mckmaquino, “Santa Angge, ang patron ng mga tanga sa pag-ibig, finally, nanalo na sa pag-ibig. Congrats! Prayer reveal naman dyan @angelica_114 😂 #SanaAll.”     Sagot naman ni Angge, “Salamat 🤭 hintayin mo lang, […]

  • Mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa, aprubado na ni PDu30

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa.   Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga asawa, mga magulang at anak na kasama ng mga ito na buma-byahe ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry […]