PH nag-protesta vs agresibong aktibidad ng China sa Scarborough Shoal
- Published on May 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nag-protesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa agresibong panghaharang ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga nagpa-patrolyang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Sa isang statement, sinabi ng ahensya na nangyari ang insidente sa gitna ng lehitimong maritime patrol at training exercise ng PCG sa Scarborough Shoal noong April 24 at 25.
“The DFA has protested the shadowing, blocking, dangerous maneuver, and radio challenges by the CCG.”
Inihayag din ng kagawaran ang pagtutol sa pahayag ng Chinese Ministry of Foreign Affairs noong nakaraang buwan, kung saan iginiit nito ang soberanya ng Beijing sa naturang teritoryo.
Ayon sa Foreign Affairs department, walang basehan na international law ang pag-angkin ng China sa Scarborough Shoal.
“Including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), and is not recognized by the international community.”
Bukod sa insidente sa Bajo de Masinloc, nag-protesta rin ang DFA laban sa iligal, at dumaraming presensya ng mga barko ng Chinese fishermen at maritime militia sa Philippine maritime zones.
Ayon sa ahensya, simula January 1 hanggang March 18 ngayong taon, higit 100 aktibidad ng China na ang na-monitor ng mga otoridad sa West Philippine Sea.
Partikular na sa bahagi ng Pag-asa Islands, Zamora Reef, Panata at Kota Islands, Ayungin Shoal, Quirino Atoll, at Bajo de Masinloc.
“The Kalayaan Island Group and Bajo de Masinloc are integral parts of the Philippines over which it has sovereignty and jurisdiction,” ayon sa DFA statement.
“The Philippines’ conduct of maritime patrols and training exercises in these areas is a legitimate and routine act of a sovereign country in its territory and territorial waters and is part of the Philippines’ administrative responsibility.”
Iginiit ng kagawaran na walang law enforcement rights ang China sa nabanggit na mga lugar.
Tinawag din ng DFA na lantarang paglabag sa kasarinlan ng Pilipinas ang patuloy na presensya ng Beijing sa pag-aaring teritoryo ng bansa.
“The presence of Chinese Coast Guard vessels in the Philippines’ territorial waters of Pag-asa Islands and Bajo de Masinloc, and exclusive economic zone, raises serious concern.”
“The Philippines calls on China to withdraw its government vessels around the Kalayaan Island Group and Bajo de Masinloc and respect Philippine sovereignty.”
Simula noong Marso, ilang diplomatic protest na ang inihain ng DFA sa Beijing, matapos madiskubre ang presensya ng Chinese maritime militia sa paligid ng Julian Felipe reef.
Noong 2016 nang ideklara ng The Hague sa Netherlands na walang bansa ang maaaring umangkin sa Bajo de Masinloc dahil itinuturing itong “traditional fishing ground” ng mga mangingisdang Chinese, Vietnamese, at Pilipino. (Gene Adsuara)
-
P73.28 milyong confidential funds ni VP Sara pinasosoli ng COA
INATASAN ng Commission on Audit (COA) si Vice President Sara Duterte na isoli ang P73.28 milyon na bahagi ng P125 milyong confidential funds na ginasta ng tanggapan nito sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022 dahil ang nasabing item ay itinuturing na ‘disallowed fund” sa ilalim ng regulasyon ng pamahalaan. Ang “COA’s notice […]
-
Pinoy archers tatarget ng Olympic ticket sa Paris
Kumpiyansa si archery president Jesus Clint Aranas na isa sa limang national archers ang makakapana ng tiket para sa 2021 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan. Sasabak sina national archers Riley Silos, Jason Emmanuel Feliciano, Pia Elizabeth Bidaure, Phoebe Nicole Amistoso at Gabrielle Monica Bidaure sa World Olympic Qualifiers sa Paris, France […]
-
Matapos maglahad ng kanilang damdamin tungkol kay TONI: Matatapang na reaksyon nina DIONNE at DAWN, pinupuri ng netizens
ANG mga dating Pinoy Big Brother Housemates na sina Dionne Monsanto at Dawn Chang ay hind puwedeng bansagang the WHO times dahil biglang silang naging relevant matapos ilahad ang kanilang damdamin tungkol sa former PBB house na si Toni Gonzaga. Isang Mala-Maleficent ang impakta paghalakhak ni Monsanto sa opisyal na pahayag ni Gonzaga at […]