• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH Navy warships, sa WPS hindi na kailangan -PBBM

“WE are not at war.”

 

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang pagtiyak na hindi kinakailangang mag-deploy ang Pilipinas ng Navy warships sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang naging pag-atake ng China kamakailan.

 

 

Ani Pangulong Marcos “We don’t need Navy warships. All we are doing is resupplying our fishermen, protecting our territorial rights.”

 

 

“Again, it will be provocative and will be seen as an escalation… we don’t do that. The Philippines does not escalate tensions. Quite the opposite, the Philippines always tried to bring down the level of tension,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na desisyon na ni Pangulong Marcos at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang deployment ng navy vessels na susuporta sa mga barko ng Pilipinas habang isinasagawa ang ‘Philippine mission” sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson on the WPS, ang AFP ang siyang dapat na gumawa ng rekomendasyon habang ang Pangulong Marcos naman ang may pinal na desisyon sa isyu bilang commander-in-chief.

 

 

Ani Tarriela, nakasuport lamang ang PCG sa anumang desisyon at hakbangin ng pamahalaan.

 

 

Sinabi ni Tarriela na namataan ang barko ng Peoples Liberation Army na nakabuntot sa PCG vessel sa layong 300 yards nitong Miyerkules ng umaga habang patungo sa BRP Datu Pagbuaya, na binugahan ng water cannon ng China Coast Guard (CCG).

 

 

Iginiit din ni Pangulong Marcos na hindi magiging bahagi ang Pilipinas sa pagtaas ng tensyon sa sitwasyon sa WPS.

 

 

“We are going to continue to perform our mission. We will never be part of an escalation in the situation in West Philippine Sea. If we look at the evolution of the situation in the West Philippine Sea, the Philippines has never been an agent of escalation of tensions. So we will not do that,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Samantala sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang muling paghahain ng diplomatic protest kontra China.

 

 

Ayon sa DFA, nasa 60 diplomatic protests na ang naihain ng Pilipinas laban sa China nito lamang 2024 at 193 mula nang maupo si Marcos sa puwesto ng pagkapangulo noong Hulyo 2022. ( Daris Jose)

Other News
  • Legal age ng vaping hirit itaas sa 25

    NAIS ng isang eksperto na maamyendahan ang Vape Law at maitaas ang legal vaping age sa 25 mula sa kasalukuyang 18.       Sa health literacy media conference sa Subic, Olo­ngapo City, sinabi ng pulmonologist na si Dr. Maricar Limpin, dating pangulo ng Philippine College of Chest Physicians, na kailangan nang maamyendahan ang naturang […]

  • RABIYA MATEO, deserving maging Miss U PH kaya ipinagtatanggol ng kapwa kandidata

    PINAGTANGGOL ang hinirang na Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng kapwa candidate niya na si Miss Davao City Alaiza Malinao.   Umabot sa Top 16 si Malinao at to the rescue siya ni Mateo sa nag-akusa rito na siya ay nandaya. Pinost ni Malinao ang pagtatanggol niya kay Mateo sa kanyang Instagram Stories.   In […]

  • Deontay Wilder nakalabas na ng ospital, magpapagaling pa sa pagkabasag ng kamay

    Nakalabas na umano ng ospital si Deontay Wilder, dalawang araw matapos na lumasap ng matinding pagkatalo kay WBC champion Tyson Fury na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas nito nakalipas na Linggo.     Gayunman kinakailangan pa nitong magpagaling ng husto dahil sa pagkabasag ng kamay bunsod na rin ng brutal fight kay Fury, […]