• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH Sports Hall of Fame

INANUNSIYO ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) 2020 Committee na pinangungunahan ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, na sa Marso na ang nominasyon para sa iluluklok sa Sports Hall of Fame.

 

“This is good that we met early so we have ample time to study the nominations,” ani Ramirez habang sinasalubong ang miyembro ng screening committee na binubuo nina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Mitra, Philippine Olympic Committee Secretary-General Atty. Edwin Gastanes, Integrated Cycling Federation of the Philippines Secretary-General Atty. Avelino Sumagui, University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Atty. Rene Saguisag Jr., at SEA Games gold medalist at Philippine Olympians Association President Akiko Thomson Guevara.

 

Pinararangalan ng HOF o Republic Act No. 8757, ang mga Pinoy athletes, coaches, at trainors na nagdala ng karangalan at dangal para sa bansa sa kanilang career. Agad na naglabas ang board ng dalawang resolutions na para sa ngayon edisyon ng HOF.

 

Nagkasundo ang body na gumawa ng rekomendasyon upang amiyendahan ang PSHOF law. Isa pang resolusyon ay gawing otomatikong nominees ang dating eligible nominees pero hindi nakapasok sa final cut.

 

Kasama rin sa pinag-aralan ng committee ang pagtataas sa cash gift na matatanggap ng mga awardees sa halagang P100,000. “We will check if this is possible with the budget that we have,” ani Ramirez.

 

Bilang government’s sports agency, ang PSC ay inaatasan ng batas na mag-organisa ng Screening Committee at awarding ng Philippine Sports Hall of Fame title na pipiliin ng mga atleta.

 

Ilalabas ang guidelines sa nominasyon sa Marso 1 habang ang awards night ay sa Nobyembre 5.

 

Hala ipasa na agad ang mga pangalan na karapat-dapat sa prestihiyosong karangalan. Hangad din natin na maiwasan ang palakasan sa pagpili para walang marinig na reklamo mula sa publiko.

Other News
  • PBBM, wala pa rin napipisil na DOH, DND secretaries

    MASAYA pa rin daw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa performance ng mga officers-in-charge ng Depertment of Health at Department of National Defense, ito habang idinidiing wala pa siyang napipisil na mga permanenteng kalihim ng mga naturang kagawaran.     Ito ang ibinahagi ni Bongbong, Huwebes, habang nasa sidelines ng Kadiwa ng Pasko caravan sa […]

  • 31st SEA Games: Chef De Mission Ramon Fernandez, kinalampag ang IATF para maisabak na sa bubble training mga atleta

    Determinado na si Chef De Mission Ramon Fernandez na masimulan ang pagsasanay ng mga national athlete kahit sa Nobyembre pa ang 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.     Dadaan pa kasi sa ilang hakbang para magawa ito, una ay ang paghingi ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) […]

  • Mga Filipino sa Vietnam, todo suporta sa mga atletang pinoy na sumasabak sa 31st SEA Games

    IBA’T IBANG pamamaraan ang ginagawa ngayon ng mga Pilipino sa Vietnam para maipakita ang kanilang suporta sa mga Pilipino athlete sa nagpapatuloy na 31st South East Asian Games.     Sinabi ni Bombo International News Correspondent Arlie Dela Peña, isang guro sa Hanoi, Vietnam na kahit kaunti lamang silang mga Pilipino sa naturang bansa ay […]