• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH, Spotlight Country sa Open Doors Program ng ‘Locarno Filmfest’; DANIEL, puring-puri sa dedikasyon sa pagganap sa role sa movie nila ni CHARO

PARA sa ika-74 na edisyon ng Locarno Film Festival sa Switzerland na magsisimula sa Agosto 4 hanggang 14 nakatakdang lumahok ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ni Carlo Francisco Manatad sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present Competition), isang section na dedicated sa mga umuusbong na director mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

 

Ipalalabas ang napiling feature films bilang world o international premieres, at mula documentary hanggang fiction ang makikipag-kompetensya para sa Pardo d’oro Cineasti del presente.

 

 

Pinagbibidahan ito nina Daniel Padilla, Rans Rifol, at Charo Santos-Concio, ikinukuwento ng lalahok na pelikula kung paano nagpunyagi ang mag-ina upang makaligtas mula sa Typhoon Yolanda na humagupit sa Tacloban, Leyte noong 2013.

 

 

Puring-puri naman ng isa sa producer ng movie na si Armi Rae Cacanindin si Daniel na perfect sa role ni Miguel.

 

 

“Nakatutuwa dahil bigla kong naalala noong nagso-shoot kami sa Tacloban Astrodome with 800 extras, gabi na, exterior tapos ang eksena ay kakaulan lang, so may naka-standy na bumbero at binabasa sila.

 

 

“Tapos yun ibang extra, tumitingin sa camera or tumatawa.  So, Daniel got the mic at nakiusap in Waray sa mga extras.

 

 

“Sabi niya, ‘bakit kayo tumatawa, anong nakakatawa.  Nangyari ito sa inyo, di ba? Nandito kaming lahat, para ikuwento ang kuwento ninyo, so, sana magtulungan tayo.

 

 

“Tapos parang nakakakilabot na ganun siya as an artist. Na hindi lang basta ‘yun pag-arte ang iniisip niya, but the entirety of the project.

 

 

“Paborito ko itong ikuwento sa mga nagtatanong kung papaano. We are very lucky that we have Daniel, not just an actor but as artist, dahil yun puso niya, binigay niya doon sa project, na kahit na may mga schedules siya, mga shoot, pina-prioritize niya ang project.”

 

 

Tuwang-tuwa rin sila na pumayag si Ms. Charo na tanggapin ang role ni Norma.

 

 

“Isa lang naman ang wish namin, si Mam Charo, pero parang ang hirap niyang abutin,” sabi ng lady producer.

 

 

“Tapos si Pat, nag-message kay Atty. Joji (Alonzo) tapos maya maya, sumagot na parang interesado si Mam Charo.  Kaya nag-prepare kami kung ano ipi-pitch namin sa meeting.

 

 

“Nakakatuwa, dahil siguro right time din, parang the universe conspire it para mabuo ang ganitong casting.”

 

 

Pag-amin naman niya sa pagkakapili sa baguhan na si Rans Rifol, “Ako mismo natakot for her, parang hala si Rans with Mam Charo and Daniel. Pero first day palang lumaban na si Rans. And it helps na nag-acting workshop with Daniel ng ilang araw. Si Angeli Bayani ang nag-facilitate nun.”

 

 

Kuwento naman ni Direk Carlo na natagalan pala si Daniel na tanggapin ang role, “Sabi niya, noong pinitch, gustung-gusto niya.  Pero ayaw niyang umoo agad, feeling kasi niya hindi siya fit to do it, kasi parang ang bigat.

 

 

“Kaya feeling niya hindi siya ‘yun perfect person to portray the role. Natatakot siya doon.

 

 

“Pero after two weeks, he said yes. I think, gusto niyang maintindihan at I-portray nang maayos yung role.  That’s what I learned during the conversation at mas nirespeto ko siya as an artist.”

 

 

Naging parte ang pelikula sa 2019 Film Development Council of the Philippines (FDCP) Project Market at nagawaran ito ng pondong nagkakahalagang PHP 2.5 million sa pamamagitan ng FilmPhilippines International Co-production Fund (ICOF) ng ahensya noong 2021.

 

 

Mula 2019 hanggang 2021, pinipili ng Locarno Open Doors program na i-spotlight ang film projects, talents, at producers mula Mongolia at Southeast Asia, katulad ng Laos, Thailand, Cambodia, Vietnam, Myanmar, Indonesia, Malaysia, at ang Pilipinas. Binubuo ang Open Doors program ng Open Doors Hub, Open Doors Lab, at Open Doors Screenings na gaganapin nang sabay mula Agosto 6 hanggang 10.

 

 

Ang documentary film na Aswang ni Alyx Ayn Arumpac at ang short films na Excuse Me, Miss, Miss, Miss ni Sonny Calvento at Next Picture ni Cris Bringas ay magiging bahagi ng Open Doors Screenings, isang non-competitive seksyon na sinisiyasat ang pagkakaiba ng filmmaking ng mga napiling pelikula mula sa mga kalahok na mga bansa.

 

 

Magiging bahagi naman sina director E Del Mundo at producer Pamela Reyes at ang kanilang proyekto na Sam sa Open Doors Hub, isang co-production na platform na mayroong anim na araw na programa para sa walong napiling project teams na makakatulong sa kanilang paghahanap ng international collaborations sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng access sa groups discussions at networking activities kasama ang industry decision makers at festival guests.

 

 

Lalahok naman si producer Stelle Laguda sa Open Doors Lab, isang producer-centric training program na may anim na araw para sa walong filmmakers upang mahasa ang kanilang kakayahan at kamalayan sa international marketplace.

 

 

Noong Abril, nagpatawag ng entries ang Match Me! Program nito kasama ang FDCP bilang Match Me! Partner. Tatlong araw na networking platform ito na nakalaan para sa young producers upang magkaroon sila ng pagkakataong maipakilala ang profile at projects ng kanilang kumpanya sa potensyal na co-producers.

 

 

Kabilang sa mga delegado ang producers na sina Sara Brakensiek para sa proyektong “Kathoey,” si Patti Lapus para sa proyektong “Goliath,” at Micah Tadena para sa proyektong “Inherit.”

 

 

“The FDCP’s partnership with Locarno has opened countless doors for Filipino talents and projects. Through the Open Doors Program, our emerging talents have been given opportunities to enhance their skills, develop their projects, and build on their international network, all of which have successfully boosted the global competitiveness of Philippine Cinema,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

 

 

Noong 2020, nagpasya ang Locarno na gawing online ang festival para sa mga kalahok at manonood nito dahil sa COVID-19 pandemic. Isa sa mga proyekto na lumahok sa Open Doors ang Zsa Zsa Zaturnnah vs. The Amazonistas of Planet X ni Avid Liongoren na nakatanggap ng Locarno Development Support Grant na nagkakahalagang 14,000 Swiss francs.

 

 

Ngayong taon, ibabalik muli ang Locarno sa Piazza Grande, ang mismong simbolo ng festival, upang maingat na maibalik ang mahiwagang festival experience para sa mga manonood.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon sa Locarno Film Festival 2021 at sa mga kalahok na pelikula at proyekto, bisitahin ang kanilang opisyal na website sa www.locarnofestival.ch.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • KAREN, nilinaw na walang natatanggap na bayad sa mga politicians na ini-interview

    SINAGOT ni Karen Davila ang tanong ng isang netizen tungkol sa mga ini-interview na politicians.     Tweet ng premyadong Broadcast Journalist, “I was just asked how much do I charge for politicians to be featured on youtube channel.           “NO, I DO NOT GET PAID TO FEATURE OR INTERVIEW POLITICIANS.     […]

  • Public transpo sa ilang bahagi ng PH, hindi pa handa para sa full resumption ng F2F classes

    HINDI PA handa ang public transportation sa ilang bahagi ng Pilipinas sa pagpapatupad ng full resumption ng face-to-face classes.     Ito ang naging tugon ng isang grupo ng mga commuter sa planong pagbabalik ng bagong administrasyon sa in-person classes sa darating na pasukan.     Sa isang pahayag ay sinabi ni The Passenger Forum […]

  • Ads September 23, 2022