PH swak na destinasyon ng dayuhang pamumuhunan dahil sa lakas nito, pagkakaisa ng ASEAN
- Published on January 20, 2024
- by @peoplesbalita
PERPEKTONG destinasyon umano ng dayuhang pamumuhunan ang Pilipinas dahil sa malakas na ekonomiya nito at mga repormang ipinatutupad para mas maging bukas ang ekonomiya kasabay ng magandang pagsasama ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na bagamat magkakaiba ang kultura, wika, at pamamaraan ng mga miyembrong bansa ng ASEAN, nag-uugnayan ang mga ito upang matugunan ang mga hamon na kapwa nila kinakaharap.
“And that’s why it’s not such a big surprise that after the COVID pandemic we the ASEAN emerged as the bright spot in the global economy of course I’d like to put the Philippines up front,” ani Speaker Romualdez, isa sa mga panelist ng “Learning from ASEAN” session sa World Economic Forum Annual Meeting live panel discussion kung saan host ang CNN anchor na si Julia Chatterley noong Miyerkoles ng hapon (oras sa Switzerland).
Inaasahan na mananatili ang ASEAN bilang rehiyon na may pinakamabilis na pag-unlad ang ekonomiya sa mundo at magsisilbing malaking bahagi ng pag-angat ng Asia-Pacific sa susunod na dekada.
Nauna rito, sinabi ni Romualdez sa lider ng iba’t ibang international business groups sa isang breakfast roundtable discussion ang mga hakbang na gagawin ng Pilipinas upang alisin ang limitasyong sa dayuhang pamumuhunan na nakasaad sa Konstitusyon.
Inanunsyo rin ni Speaker ang paglulungsad ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa—ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Gagamitin ang MIF upang agad na magawa ang mga proyekto at programang kinakailangan ng bansa na magpapalakas sa ekonomiya, lilikha ng mapapasukang trabaho at magpapahupa ng kahirapan sa bansa.
Ang pondo ay estratehikong ilalagay sa mga sektor na magtutulak ng multi-generational growth, partikular sa sektor ng enerhiya, food security, physical connectivity, teknolohiya, at napapanatiling paggamit ng pambansang yaman.
Sinabi ni Maharlika Investment Corporation CEO Rafael Consing, Jr. na ginawa ang MIF na maging pangmatagalan at epektibo.
Dagdag pa nito, ang pamamahala sa MIF ay nakaayon sa pinakamahusay na kasanayan sa mundo kung saan tinitiyak na ito ay transparent, may pananagitan at sumusunod sa pinakamataas na pamantayan. (Ara Romero)
-
Ekonomiya ng Pinas lumago ng 5.2% noong Q3 —PSA
LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.2% sa third quarter ng taon , mas mababa kaysa sa 6.4% na naitala sa nakalipas na quarter. Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ito ang nagdala sa average gross domestic product growth para sa unang three quarters ng 2024 sa 5.8% na bahagyang mababa sa target […]
-
Mga NBA players posibleng payagan ng magsuot ng mga ‘statement’ jerseys
Posibleng payagan na ang ilang NBA players na magsuot ng mga uniporme na may nakakargang slogan na sumusuporta sa social justice o charities imbes ang kanilang mga pangalan kapag nagsimula na ang liga. Nagsasagawa na ng pag-uusap sina Oklahoma City Thunder guard Chris Paul ang pangulo ng National Basketball Players Association at ang mga […]
-
Pacman, kargado na ng protina ang pagkain, ilang araw bago ang laban
Nananatili umanong agresibo sa nalalapit na laban si 8-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao, kahit naudlot ang laban kay American undefeated boxer Errol Spence at ipinalit si Yordines Ugas. Ayon sa isa sa tagaluto ng team Pacquiao na si Cliff Ramat Manzano hindi nagbago ang gilas ng fighting senator. Kaya […]