PH vessels, inilagay sa panganib ang buhay ng Chinese personnel malapit sa Pag-asa Island- Tsina
- Published on October 17, 2024
- by @peoplesbalita
IGINIIT ng Beijing na inilagay sa panganib ng Philippine vessels ang buhay ng Chinese personnel na nasa barko ng pangingisda dahil mapanganib na naglalayag malapit sa Pag-asa Islandsa West Philippine Sea (WPS).
Tinanong kasi ang Chinese Foreign Ministry ukol sa Oct. 11 incident kung saan sinasabing di umano’y sinadyang banggain ng Chinese Maritime Militia ang barko ng Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa may bahagi ng Pag-asa (Sandy) Cays.
Ayon sa BFAR na naganap ang insidente noong October 11 habang nagsasagawa ng routine maritime patrol ang BRP Datu Cabaylo at BRP Datu Sanday.
Ayon sa BFAR, binuntutan at sinubukang harangan ng barkong CMM 00108 ang BRP Datu Cabaylo.
At habang dahan-dahang papalapit ang BRP Datu Cabaylo (MMOV 3001) sa Pag-asa (Sandy Cay) ay ginitgit na ito ng Chinese vessel.
Ayon sa BFAR, nagtamo ng minor dents ang kanilang sasakyang pandagat partikular sa starboard bow nito.
Sa kabila naman ng insidente, nakumpleto pa rin ng BFAR vessels ang kanilang maritime patrol at ligtas na nakadaong sa Pag-asa Sheltered Port.
“We commend the officers and crew of the BRP Datu Cabaylo (MMOV 3001) as they continue to perform their duty, in line with the mandate of BFAR, to uphold Philippine jurisdiction and rights over its territorial waters and exclusive economic zone,” saad pa ng BFAR.
At nang hingan ng komento ukol sa bagay na ito si Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning ay sinabi niya na “As far as I know, the truth is that Philippine official vessels sailed dangerously in waters under China’s jurisdiction and collided with a Chinese fishing boat conducting regular operation there.”
“The behavior violates China’s sovereignty and gravely threatens the safety of Chinese fishing boats and crew,” ang sinabi pa ni Mao Ning.
Nanawagan din ito sa Pilipinas na “to earnestly respect China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea”, panawagan din ito na itigil muna ang anumang aksyon na maaaring kumplikado sa sitwasyon. (Daris Jose)
-
Konstruksyon ng MRT -7 sa Kyusi pinahinto
PINAHINTO ni QC Mayor Joy Belmonte ang construction ng MRT-7 sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle (QCMC), dahil sa banta na posibleng humina ang pundasyon ng naturang park. Bukod dito ay may banta umano na posibleng masira ang isang sikat na heritage park told ng QCMC na maituturing na mukha ng Kyusi. […]
-
Dating Bamban Mayor Alice Guo, kinasuhan ng misinterpretation
SINAMPAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong material misrepresentation sa Regional Trial Court ng Tarlac si dating Bamban Mayor Alice Guo o Hua Ping Lin Guo. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nilabag ni Guo ang Section 74 ng Omnibus Election Code na may kauganyan sa Section 262 ng parehong code . […]
-
Exclusive interview, ia-upload before election… VICE GANDA, tinawag na susunod na Pangulo si VP LENI
ANG mga hari at reyna pa rin talaga ng Kapuso network ang unang nagpapabalik ng face-to-face presscon ng GMA Networks. Ang bagong sitcom at magsisilbing comeback ni Marian Rivera at the same time, comeback din ng team-up nila ni Dingdong na “Jose & Maria’s Bonggang Villa” ang unang f2f presscon […]